New Bambang Health Center

New Bambang Health Center A DOH-Accredited PCF, an accredited Philhealth Yakap Clinic, under the City Health Department of Pasig, providing DOH health programs for all ages.

This page is for health information dissemination only. Please visit us from Monday-Friday, 8am to 5pm.

Paano magpa-register sa isang Yakap facility tulad  ng New Bambang Health Center nang hindi kailangang magpunta sa Philh...
05/03/2026

Paano magpa-register sa isang Yakap facility tulad ng New Bambang Health Center nang hindi kailangang magpunta sa Philhealth office❓️

Panuorin ang video ⬇️

Tandaan:
✅️Pumili ng pinakamalapit sa iyo upang madali itong puntahan
✅️Pumili rin ng accredited facility at doctor upang ma-avail ang mga serbisyo ng Philhealth Yakap

*March 10 is National Buntis Day!*The POGS NCR–PENTAMED Society, Inc., in partnership with The Rotary Club of Pasig and ...
04/03/2026

*March 10 is National Buntis Day!*

The POGS NCR–PENTAMED Society, Inc., in partnership with The Rotary Club of Pasig and Unilab-Biofemme, will hold the National Buntis Day Celebration on March 10, 2026 (Tuesday), 7:00 AM–12:00 NN, at the Unilab Bayanihan Center.

Free prenatal services will be provided, including consultation, ultrasound, and laboratory tests, along with lectures on prenatal care, nutrition, and breastfeeding. Participants will also receive free medicines, giveaways, and raffle prizes.

A highlight of the event is the Annual Buntis Day Pageant promoting women’s empowerment, health, and positive motherhood. Eight PENTAMED hospitals will field candidates, with two wild card contestants will be chosen during the event.

Pregnant patients may register through the QR code or link below. Thank you.

https://forms.gle/2ER65Q2wEt8Nno5R6

Congrats FIC Babies for the whole month of JANUARY 2026!Ano ang ibig sabihin Fully Immunized Child 👶? Ito ang mga batang...
25/02/2026

Congrats FIC Babies for the whole month of JANUARY 2026!

Ano ang ibig sabihin Fully Immunized Child 👶?
Ito ang mga batang edad 1 taon gulang (less than 13 months old), na nakatanggap at nakakumpleto ng bakuna simula pagka- panganak hanggang maka-isang taong gulang.

Ano- ano ang mga bakunang 💉 sakop nito?
1 dose ng BCG
3 doses ng Pentavalent vaccine (DPT-Hib-HepB)
3 doses ng Oral Polio vaccine
2 doses ng MMR (Measles containing vaccine)

Disclaimer: All photos posted with consent
👶 Ang lahat ng bakunang ito ay LIBRE dito sa New Bambang Health Center

Para kay Nanay, kay Baby, at sa buong pamilya, simulan ang usapan, protektahan ang kinabukasan!Tara na sa Usapang Buntis...
20/02/2026

Para kay Nanay, kay Baby, at sa buong pamilya, simulan ang usapan, protektahan ang kinabukasan!

Tara na sa Usapang Buntis, Bakuna at Family Planning sa February 27, 2026 sa ganap na 8:00 ng umaga. 👩‍👩‍👧‍👦

Magpa-rehistro sa mga sumusunod na link:

Please click the link for early registration in USAPANG BUNTIS REGISTRATION
https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSe_yD7haoTPQuU9W1xEI7zlt1RwvoGsdy6rDwnI-6ey0kWFKQ/viewform?usp=header

Please click the link for early registration in NIP (Bakuna) REGISTRATION
https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSd3gkIVQmCCw_aLEmn1gDKaICuo8mDg_wRV0Fq0Joti--l8GA/viewform?usp=header

Pleaas click the link for early registration FAMILY PLANNING REGISTRATION
https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSc3fth-XekLICd9yCGZcA_km2bo87XYqXXtKkSLfgu2R-fgiQ/viewform?usp=header

Baka ito ang mga sagot sa iyong mga katanungan ukol sa Philhealth YAKAP Program 💙💛
18/02/2026

Baka ito ang mga sagot sa iyong mga katanungan ukol sa Philhealth YAKAP Program 💙💛

May Breastfeeding Station ba sa workplace mo? ✅️🏪Basahin bakit ito mahalaga ↙️
18/02/2026

May Breastfeeding Station ba sa workplace mo? ✅️🏪

Basahin bakit ito mahalaga ↙️

Working mom ka ba? May good news kami para sa’yo 💛

Alam mo ba na may batas na sumusuporta sa’yo para maipagpatuloy ang breastfeeding kahit may trabaho?

Sa ilalim ng 𝐑𝐞𝐩𝐮𝐛𝐥𝐢𝐜 𝐀𝐜𝐭 𝐍𝐨. 𝟏𝟎𝟎𝟐𝟖 (𝐄𝐱𝐩𝐚𝐧𝐝𝐞𝐝 𝐁𝐫𝐞𝐚𝐬𝐭𝐟𝐞𝐞𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐫𝐨𝐦𝐨𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐜𝐭), may karapatan ang mga working mom sa lactation breaks—hindi bababa sa 40 minutes bawat 8-hour shift, at bayad ito (hindi kaltas sa sahod).

Ibig sabihin, may sapat kang oras para makapag-express sa isang araw para sa kalusugan mo at ng baby mo.

Dahil kapag may tamang oras at pasilidad, mas nagiging posible ang tuloy-tuloy na breastfeeding.

Ang 𝐑𝐞𝐩𝐮𝐛𝐥𝐢𝐜 𝐀𝐜𝐭 𝐍𝐨. 𝟏𝟎𝟎𝟐𝟖 (𝐄𝐱𝐩𝐚𝐧𝐝𝐞𝐝 𝐁𝐫𝐞𝐚𝐬𝐭𝐟𝐞𝐞𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐫𝐨𝐦𝐨𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐜𝐭 𝐨𝐟 𝟐𝟎𝟎𝟗) ay para sa mga working mom na gustong ituloy ang pagpapasuso kahit bumalik na sa opisina.

Narito ang maikling detalye na kailangan mo:

𝐎𝐫𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐋𝐚𝐜𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐁𝐫𝐞𝐚𝐤𝐬
Ayon sa batas, ang mga working mom ay may karapatan na:
〰️ Hindi bababa sa 40 minutes na lactation break para sa bawat 8-hour working period.
〰️ Ang oras na ito ay pwedeng hatiin (halimbawa: dalawang 20-minute breaks) depende sa usapan niyo ng employer.
〰️ Importanteng malaman na ang oras na ginamit sa lactation break ay paid work time. Ibig sabihin, bawal itong ibawas sa iyong sweldo.

𝐀𝐧𝐠 𝐋𝐚𝐜𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐒𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧
Lahat ng opisina o gusali ay dapat magkaroon ng sariling Lactation Station. Hindi ito pwedeng ilagay sa loob ng banyo. Ayon sa Department of Health (DOH), dapat itong sumunod sa mga sumusunod na standards:
〰️ Sanitary at Accessible: Malinis at madaling puntahan ng mga empleyado.
〰️ Kumpletong Gamit: Dapat mayroong komportableng upuan, mesa, at lababo (lavatory) para sa paghuhugas ng kamay at mga gamit.
〰️ Privacy: May kurtina o pinto na pwedeng i-lock para siguradong private ang pag-pump.
〰️ Storage: Kung maaari, dapat may refrigerator para sa safe na pagtatago ng breastmilk.
〰️ Electrical Outlet: Para sa mga gumagamit ng electric breast pumps.

🩺💛
14/02/2026

🩺💛

🤝 PhilHealth YAKAP: Serbisyong may malasakit, mas pinalapit sa bawat Pasigueño!
04/02/2026

🤝 PhilHealth YAKAP: Serbisyong may malasakit, mas pinalapit sa bawat Pasigueño!


02/02/2026

Patibayin mo ang iyong baga 🫁 kaibigan!

❌️ Umiwas or itigil ang paninigarilyo
✅️ Mag-suot ng face mask lalo na sa matataong lugar
✅️️ Matulog ng sapat na oras
✅️ Kumain ng masustansyang pagkain
✅️ Mag-ehersisyo araw-araw

Agad magpa-konsulta kung magkaroon ng alinmang sintomas tulad ng:

🗣 ️2 linggo o mahigit na ubo
🤒 ️Paglalagnat madalas sa gabi
🥵️ Labis na pagpapawis
👤 Pagpayat

Tandaan 📣: Ang sakit na TB ay nagagamot/ gumagaling.
Hindi kailangan bumili ng gamot dahil may LIBRENG GAMOT para rito. Libre rin ang konsulta, pagpapa xray, DSSM at Gene Xpert tests para rito.




Ano nga ba ang PHILHEALTH  YAKAP?Alam mo ba, ang New Bambang Health Center ay isang accredited YAKAP Clinic. Magdala lam...
31/01/2026

Ano nga ba ang PHILHEALTH YAKAP?

Alam mo ba, ang New Bambang Health Center ay isang accredited YAKAP Clinic. Magdala lamang ng Philhealth ID at personal na magpa-rehistro mula Lunes-Biyernes 8am to 4pm.

Dalhin ang:
Philhealth ID: Para sa edad 18 years old pataas.
Member data record (MDR): sa edad 17 at pababa.

📌 Kung hindi pa miyembro ng Philhealth, huwag mag-alala, LIBRE ang magpa- rehistro, magpunta sa Philhealth Office at magdala ng any valid ID.

💙🩺

💙 ALAGANG PRESYON, IWAS KOMPLIKASYON! 🩺Nitong Lunes, January 26, matagumpay na naisagawa ng mga RMC Medical Interns, FCM...
28/01/2026

💙 ALAGANG PRESYON, IWAS KOMPLIKASYON! 🩺

Nitong Lunes, January 26, matagumpay na naisagawa ng mga RMC Medical Interns, FCM Training officer Dr. Izra Mananguit kasama ang New Bambang Health Center staff at PHAs ang Talakayan tungkol sa “Alagang Presyon, Iwas Komplikasyon!” sa Bambang Boys Gym.

Mga natutunan ng dumalo ay tungkol sa:
✅ Pag-aalaga sa blood pressure
✅ Regular na BP monitoring
✅ Healthy lifestyle at tamang pagkain
✅ Pag-iwas sa komplikasyon tulad ng stroke at sakit sa puso
✅️ Oral health

Kami ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng dumalo at sumuporta tulad ni Kap. Rodel Samaniego at Brgy. Council.

💪 Sama-sama, mas ligtas at mas malusog ang ating komunidad!


Congrats FIC Babies for the whole month of DECEMBER 2025!Ano ang ibig sabihin Fully Immunized Child 👶? Ito ang mga batan...
26/01/2026

Congrats FIC Babies for the whole month of DECEMBER 2025!

Ano ang ibig sabihin Fully Immunized Child 👶?
Ito ang mga batang edad 1 taon gulang (less than 13 months old), na nakatanggap at nakakumpleto ng bakuna simula pagka- panganak hanggang maka-isang taong gulang.

Ano- ano ang mga bakunang 💉 sakop nito?
1 dose ng BCG
3 doses ng Pentavalent vaccine (DPT-Hib-HepB)
3 doses ng Oral Polio vaccine
2 doses ng MMR (Measles containing vaccine)
Disclaimer: All photos posted with consent

👶 Ang lahat ng bakunang ito ay LIBRE dito sa New Bambang Health Center

Address

Col. F. Victorino Street , Villa Alfonso Brgy. Bambang
Pasig
1600

Opening Hours

Monday 8am - 5am
Tuesday 8am - 5am
Wednesday 8am - 5am
Thursday 8am - 5am
Friday 8am - 5am

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when New Bambang Health Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram