08/08/2025
Pineapple Juice makakatulong ba para makaiwas sa STROKE at HEART ATTACK?
Marami ang naniniwalang healthy ang pineapple juice dahil natural at galing sa prutas. Pero ang katotohanan hindi ito dapat gawing regular na inumin, lalo na kung ang goal mo ay alagaan ang puso at iwasan ang stroke.
✅ PURE SUGAR, ALMOST NO FIBER.
Kapag ginawa nang juice ang pinya, halos asukal na lang ang natitira. Wala nang fiber na sana’y tutulong pabagalin ang pagtaas ng blood sugar. Ang epekto? Mabilis na insulin spike, na sa paglipas ng panahon ay nagdudulot ng insulin resistance ugat ng maraming lifestyle diseases gaya ng hypertension, diabetes atbp. At tandaan, Fructose ang uri ng asukal nito hindi ito ginagamit ng katawan para sa enerhiya, kundi diretsong pinoproseso ng atay. Kapag sobra, puwedeng mauwi sa fatty liver.
✅ HINDI MABUTI SA PUSO.
Ang mataas na blood sugar at chronic inflammation ay direktang konektado sa heart disease. Ang pineapple juice, sa dami ng sugar nito, hindi nakakatulong kundi posibleng makasama pa sa kalusugan ng puso.
✅ HINDI PANLABAN SA STROKE.
Walang prutas o juice na kayang balewalain ang epekto ng sobrang sugar. At kahit may kaunting vitamin C ang pineapple juice, mas matimbang ang panganib na dulot ng asukal nito lalo na sa daluyan ng dugo at utak.
🚫 Huwag nang gawing “health drink”
Kung mahal mo ang katawan mo, iwasan mo ang pineapple juice hangga’t maaari. Hindi ito refreshing para sa kalusugan lalo na sa panahon ngayon kung saan laganap ang metabolic diseases.