05/11/2025
📣 3-Day Action Planning Workshop for Stakeholders and Representatives of the Marginalized Sector
Noong Oktubre 27–29, matagumpay na isinagawa ng Health Education and Promotion Office (HEPO) ng City Health Department ang 3-Day Action Planning Workshop sa Richmonde Hotel, Eastwood, Quezon City. Layunin ng gawain na palakasin ang partisipasyon ng mga kinatawan ng marginalized sector sa pagpaplano ng mga programang pangkalusugan para sa mga Pasigueño. 💚
🩺 Unang Araw: Ibinahagi ng iba’t ibang programa ng City Health Department — To***co Control Office, Women and Child Protection Program, STI and HIV, Mental Health, at Immunization Program — ang kanilang mga accomplishments, initiatives, challenges, at future plans upang higit pang mapabuti ang serbisyong pangkalusugan sa lungsod.
📊 Ikalawang Araw: Pinangunahan ni Dr. Mariane Loe Bringuelo ang Workshop 1: Situational Gap and Analysis, kung saan sinuri ng mga kalahok ang kalagayan ng kalusugan sa komunidad. Lumabas sa talakayan na kabilang sa mga pangunahing isyung dapat bigyang-pansin ay ang pagtaas ng paggamit ng sigarilyo at mental health concerns.
Kasunod nito, pinangunahan ni Ms. May Shani Aquino, R.N. ang sesyon sa Vision, Goal, and Objective Setting, kung saan bawat grupo ay bumuo ng mga vision statements, goals, objectives, at mga estratehiya upang tugunan ang mga isyung ito.
💡 Ikatlong Araw: Ibinahagi ni G. Joey Español, HEPO I, ang kahalagahan ng Health Promotion Strategies at ang papel ng epektibong komunikasyon sa pagpapabuti ng kalusugan ng komunidad. Sinundan ito ni Bb. Anna Galutera, HEPO III, na nagtalakay ng Action Planning and Monitoring para sa pagbuo ng mga realistic, measurable, at sustainable na plano.
✨ Sa pagtatapos ng workshop, ipinresenta ng bawat grupo ang kanilang mga action plans at proposed strategies upang tugunan ang mga pangunahing isyung pangkalusugan sa kani-kanilang komunidad — isang makabuluhang hakbang tungo sa mas inklusibo, epektibo, at sustenableng serbisyong pangkalusugan sa Lungsod ng Pasig.