25/03/2026
Magandang balita, mga ka-barangay!
Inaanyayahan ang lahat na makilahok sa PhilHealth YAKAP Registration at Profiling na gaganapin sa Pasig City bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan para sa bawat mamamayan.
Ang programang ito ay isang inisyatibo ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa ilalim ng tanggapan ni Roman Romulo, katuwang ang PhilHealth, upang matiyak na mas marami pang residente ang mabigyan ng access sa benepisyong pangkalusugan sa pamamagitan ng PhilHealth YAKAP.
๐
Petsa: Marso 25, 2026 (Miyerkules)
โฐ Oras: 8:00 AM โ 2:00 PM
๐ Lugar: Countryside Multi-Purpose Hall
๐ Dalhin ang mga sumusunod:
โข PhilHealth Card
โข Dalawang (2) valid government ID (photocopy lamang)
Huwag palampasin ang pagkakataong ito na maging bahagi ng programang magbibigay proteksyon sa inyong kalusugan at kapakanan.
Sama-sama nating isulong ang mas malusog at ligtas na komunidad!