15/08/2025
HMO para sa ating Gobyerno 💕
HMO para sa mga Empleyado ng Munisipyo 💙
Isang mahalagang meeting ang ating pinuntahan kasama si MHO-Head Dr. Aldwin Aguinaldo at ang mga kinatawan ng Medicare Plus, Inc. na sina Sales Director Richard Cañete, Sales Team Leader Danilo Atienza Jr. at Ms. Cathy Napoles.
Layunin ng pagpupulong na ito na talakayin ang posibleng pagbibigay ng HMO sa ating mga empleyado sa munisipyo.
Suportado rin ito ng ating mahal na Mayor Allan De Leon, bilang hakbang para mas mapagaan ang gastusin ng mga lingkod-bayan lalo na pagdating sa medical at emergency needs.
Malaking tulong ito para masiguro na kapag may pangangailangan sa kalusugan, may sandigan tayong maaasahan.
📌 Next step: Gagawa tayo ng resolusyon para mas mapag-usapan at ma-implement ang proyektong ito para sa kapakanan ng lahat.
Ako po si Konsehal Kiko Esguerra, laging andito para sa inyo — handang magsulong ng mga proyektong para sa inyong kapakinabangan.