11/05/2022
Registered ba ang IMG at Kaiser sa SEC?
Kung pupunta ka sa https://secexpress.ph/application-form, maaari mo i-search ang "Kaiser International" at "International Marketing Group" para makita ang SEC registration number nila:
Kaiser International Healthgroup, Inc. (CS200408739)
International Marketing Group ( A200203947 )
Kapag na-click mo rin ang name nila, may lalabas na list ng submitted documents nila sa SEC.
Maari kang bumili ng copies ng kanilang submitted documents sa SEC, kung saan malalaman mo na Kaiser ay na-incorporate noong 2004, at ang IMG noong 2002.
Makikita rin sila under regulated entities sa Insurance Commission https://www.insurance.gov.ph/
Ang Kaiser ay makikita mo sa list ng HMO, at ang IMG ay nasa list ng insurance brokers.