09/10/2025
Anong pakiramdam na lahat ng trabaho, pinasok mo — tricycle driver, mananahi, welder, buko vendor, construction worker, taga-katay ng baboy at manok, master baker — basta lang may maipakain sa mga anak?
Gaano kahirap maging “NaTay”?
Anong pakiramdam kapag ikaw naman ang nagkasakit, pero ikaw ang bread winner ng pamilya?
Gaano kasakit mapalayas sa inuupahang bahay at wala kang masilungan?
At paano kung sa gitna ng lahat ng pagsisikap, biglang magkasakit nang malubha ang anak?
Ito ang totoong kwento ni Marylou Rizan, isang single mom na buong tapang na hinarap ang bawat unos para sa kanyang mga anak.
Marami na siyang pinasok na trabaho —masipag, matyaga, isang ina na gagawin ang lahat kahit na trabahong panlalaki, aaralin at gagawin para hindi lang magutom ang pamilya.
Hanggang sa pangingibang-bansa ginawa nya, nagtrabaho sa abroad bilang taga-hatid-sundo sa mga anak ng amo. Hinaharap ang bawat araw na may lungkot at pag-aalala para sa mga anak.
Ang hirap sa kalooban, nag-aalaga sya ng anak ng ibang tao pero mga anak nya hindi nya ma-alagaan. Bec. they’re oceans apart. Sinisipagan para may maipadala sa pamilya sa Pilipinas. Pinipilit maka-ipon para sa pangarap.
Pero pag-uwi niya para magbakasyon, sinalubong siya ng napakabigat na pagsubok: isa sa kanyang anak ay nagkasakit ng meningitis. Lahat ng inipon mula sa pagtatrabaho abroad, naubos sa pagpapagamot. Sa awa at tulong ng Diyos, naka-survive ang anak.
Dahil mabigat na karamdaman ang dumapo sa anak, ginawa nya ang lahat. Ngunit sa mahal ng mga gamot at pagpapaospital, naubos ang lahat ng ipon — pera na sana’y para sa pangarap nilang magkaroon ng sariling bahay.
Hindi pa lubusang gumagaling ang anak, kinailangan na nilang umuwi.
Pag-uwi nila nasa labas na ang lahat ng mga gamit nila. Pinalayas na sila. Wala na syang magawa. Wala na silang masilungan. Kaya nakiusap si Marylou na makapagtayo ng munting kubo sa tambakan ng basura para may matulugan lang ang mga anak.
Habang pinipilit niyang bumangon, siya naman ang nagkasakit. Tinamaan ng TB, fatty liver at pamamaga ng apdo. Pinilit niyang itago sa mga anak ang nararamdaman, ayaw niyang panghinaan sila ng loob. Lagi niyang bukambibig:
“Laban lang mga anak, kaya natin ‘to.”
Sa gitna ng kawalan, dumating ang liwanag.
Isang araw, himingi ng tulong sa kanya ang kanyang pinsan, laking gulat nito dahil mas matindi ang hirap na pinagdadaanan ni Marylou.
Ganunpaman, sinamahan ni Marylou ang pinsan para magpagamot. Habang papunta sa ospital napadaan sila sa isang bahay na may tarpaulin ng First Vita Plus. Kinumbinsi niya ang pinsan na subukan ang produkto.
Bumili ang kanyang pinsan. Ilalukan din siya ni ma'am Airyn, dealer ng First Vita Plus, dahil nahalata nito ang kanyang panghihina. Kaso lang wala siyang pambili.
Palihim siyang kumukuha ng sachet sa produktong binili ng pinsan — Guyabano Gold. Nakaramdam sya ng ginhawa, nawala ang sakit ng tiyan at lumuluwag ang malalim na pag-ubo.
Inimbitahan sila ni Ma’am Airyn sa isang seminar. Doon tuluyang nabuksan ang kanyang isipan tungkol sa produkto.
Naisip niya, “Kung ito ang paraan para gumaling ako at maka'bangon, kailangan kong gumawa ng paraan.”
Nangutang siya para makabili ng Power Pack, tinulungan ng kanyang pinsan na nagsanla ng atm para makautang sila nang pambili ng produkto — kahit ito’y isang malaking desisyon, tinalo niya ang takot.
Ang isip niya: “kapag gumaling ako, makakabangon akong muli at makakapaghanap-buhay”.
Kapag malakas at magaling na sya, makakapagtrabaho syang muli at mababayaran nya rin ang utang.
Dahan-dahan, bumalik ang lakas at sigla.
Ngunit isang araw anak naman nya ang tinamaan ng sakit, sumusuka ng dugo at malalim ang pag-ubo. Pinainom nya ito ng First Vita Plus Revitalized Forte hanggang sa gumaling.
Dumating ang isa pang pagsubok, ang apo naman nya na sa murang idad ay bumagsak ang potassium. Hindi makatayo, hindi makalakad. Pinainom niya ng First Vita Plus Melon ang apo, nagulat sila sa mabilis na recovery ng apo. Nakakalakad na at nakakapaglaro na muli.
Mas lalo nilang napatunayan kung gaano ka-safe at ka-bisa ang produkto, na kahit na sa bata ay puedeng-puede ito.
Natulungan sila sa mas mabilis na recovery mula sa sakit.
At dahil bawat pagbili ng power pack ay may kaakibat na oportunidad para sa negosyo, hindi nya pinalampas ang pagkakataong ito. Kailangan nyang magsumikap para sa pamilya.
Sa ngayon sakripisyo ang kanyang ginagawa, pero mataas ang kanyang pananampalataya na hindi natutulog ang Diyos at gumagawa ng paraan para sa bawat isa.
Dahil maganda ang produkto ng First Vita Plus, nakakabenta sya. Nabayaran niya ang mga utang.
At sa unang pagkakataon… nakahawak siya ng sariling cheque mula sa First Vita Plus. Cheque na nakapangalan mismo sa kanya.
Simple lang pero makabuluhan — dahil dito nakabili siya ng karne at nag-bonding silang mag-anak, isang bagay na hindi nila nagagawa dahil sa kahirapan.
Ngayon, unti-unti nang umaahon si Marylou. Sinasabay ang First Vita Plus sa trabaho bilang construction worker. Sakripisyo sa ngayon, pero ginhawa bukas.
Hindi nya pinalalampas ang pagkakataong matuto sa negosyong ito. Unti-unti ay natututong humarap at makipag-usap sa tao bagamat sya’y mahiyain at hindi nakapagtapos ng pag-aaral.
Patuloy siyang kumikita at muling nangangarap — makabili ng sariling bahay para hindi na muling maranasan ang mapalayas.
Sa puso niya, bitbit ang pasasalamat:
Kasi sa First Vita Plus, hindi mo gagawin mag-isa ang negosyong ito, may mga taong tutulong, magtuturo at sasamahan ka sa paggawa ng negosyo. Salamat sa mga may-ari ng kumpanya, Ma’am Doyee, Sir Soc, dahil inisip nila na mabigyan ng pantay ng oportunidad ang mga kapos sa buhay na tulad niya. Mga ordinaryong tao. Hindi nakapagtapos sa magagandang eskwelahan, pero HINDI NAGPAPAGAPI SA PAGSUBOK.
💛💚 “Salamat First Vita Plus, sa aking pinsan na nagtiwala sa akin, sa mga uplines, mentors at coaches — sa negosyong may pag-asa, kalusugan, at oportunidad para sa tulad kong NaTay.
Walang imposible para sa isang inang lumalaban para sa pamilya.”---Marylou
Permission to share your story ma'am Marylou. Saludo ako sa yo.