19/11/2020
4:30 na!!!
Ang KIDNEY na!!!
Alamin ang mga SANHI NG KIDNEY FAILURE upang maiwasan ang mga ito.
ANG SAKIT SA BATO AY TINATAWAG MINSAN NA “TAHIMIK” NA SAKIT
Maaaring walang maramdamang masama ang ilang tao o hindi nila mapansin ang kanilang mga sintomas hanggang hindi na nag-aalis ng waste ang kanilang mga bato.
Habang lumalala ang sakit at humihina ang bato, nakakaranas ang karamihan ng mga tao ng mga sintomas ng uremia:
> Pagkapagod at/o panghihina
> Pamamaga ng mga kamay at paa
> Pangangapos ng hininga
> Kawalan ng ganang kumain, masamang lasa sa bibig, pagsusuka, pagduruwal, at pagbaba ng timbang
> Hirap sa pagtulog, pangangati, pamumulikat, at pangingitim ng balat
Tiyaking sabihin sa iyong doktor o nurse kung nakakaranas ka ng alinman sa mga sintomas na ito.
Reference: Baxter Brochure