15/01/2026
๐๐ก๐๐ฅ๐ข ๐ก๐, ๐ ๐๐๐ฃ๐๐ฃ๐จ๐ฅ๐๐ ๐ก๐!!!
๐ต๐๐๐๐๐๐๐ ๐ซ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ด๐๐๐๐
January 2026
Isinusulong ng LGU Polangui ang mas malusog na kinabukasan para sa ating mga kabataan sa pamamagitan ng pagdiriwang ng National Deworming Month ngayong Enero 2026.
๐๐ง๐จ ๐๐ง๐ ๐๐๐ฐ๐จ๐ซ๐ฆ๐ข๐ง๐ ?
Ang deworming ay ang pagbibigay ng ligtas at epektibong gamot upang maiwasan at matanggal ang mga intestinal worms (bulate) sa katawan. Ang mga bulate ay maaaring magdulot ng panghihina, pananakit ng tiyan, anemia, kakulangan sa nutrisyon, at mabagal na paglaki at pagkatuto ng mga bata.
๐๐ข๐ง๐จ ๐๐ง๐ ๐๐๐ฉ๐๐ญ ๐ฆ๐๐ ๐ฉ๐-๐๐๐ฐ๐จ๐ซ๐ฆ?
โข Mga bata edad 1-19 taong gulang
โข Lahat ng nais maging worm-free at malusog ang bituka at buong katawan.
๐๐ข๐ ๐ญ๐๐ฌ ๐๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐ฐ๐จ๐ซ๐ฆ๐ข๐ง๐ ?
โ๏ธ Oo. Ang mga gamot na ginagamit ay ligtas, aprubado ng Department of Health, at ibinibigay ng mga sinanay na health workers at g**o.
โ๏ธ Ang deworming ay simple, mabilis, at libre sa mga itinakdang paaralan at barangay.
๐๐๐ค๐ข๐ญ ๐ฆ๐๐ก๐๐ฅ๐๐ ๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐ฐ๐จ๐ซ๐ฆ๐ข๐ง๐ ?
โ
Nakakatulong sa mas maayos na nutrisyon
โ
Pinapabuti ang lakas, sigla, at resistensya ng bata
โ
Nakakatulong sa mas mahusay na pagkatuto at pagpasok sa paaralan
โ
Nakababawas sa pagkalat ng worm infection sa komunidad
Hinihikayat ng LGU Polangui, katuwang ang mga barangay, paaralan, health workers, at mga magulang, ang lahat na makiisa at suportahan ang programang ito. Ang pakikipagtulungan ng bawat isa ay mahalaga upang masig**o ang kalusugan ng ating mga anak.
๐Malusog na bata, mas matatag na kinabukasan
๐ Sabay-sabay nating wakasan ang sakit na dulot ng bulate!
Isang hakbang tungo sa mas ligtas at mas malusog na na batang Polangueรฑo at komunidad, mula sa LGU Polangui katuwang ang RHU-Polangui at Nutrition Office.