Abe-Gon Health Monitoring Services

Abe-Gon Health Monitoring Services We provide basic health screening and monitoring services para matulungan ang mga indibidwal at pamilya na mas ma-monitor ang kanilang kalusugan.

Nurse-led care with online doctor consultations, all from the comfort of your home.

02/04/2026
28/03/2026

Paano Nakakatulong sa Kalusugan ang Pagiging Masayahin?

Alam mo ba na ang simpleng pagngiti at pagiging masayahin ay may malaking epekto sa iyong kalusugan?

1. Nakakabawas ng Stress
Kapag masayahin ka, bumababa ang stress hormones sa katawan. Mas nagiging relaxed ang isip at mas maayos ang pakiramdam.

2. Pinapalakas ang Immune System
Ang positibong emosyon ay tumutulong para lumakas ang resistensya laban sa sakit.

3. Mas Malusog ang Puso
Ang pagtawa at pagiging masaya ay nakakatulong sa maayos na daloy ng dugo at nakababawas sa risk ng sakit sa puso.

4. Mas Mahaba ang Buhay
Ayon sa mga pag-aaral, ang mga taong masayahin ay mas may mataas na chance na mabuhay nang mas matagal.

5. Nakakahawa ang Saya
Kapag masaya ka, napapasaya mo rin ang mga tao sa paligid mo—at nagkakaroon ng positibong environment.

Tandaan: Hindi man perpekto ang buhay, pero ang pagpili na ngumiti at maging positibo araw-araw ay isang malaking hakbang tungo sa mas malusog na katawan at isipan.

Ikaw, ano ang nagpapasaya sa’yo today?

26/03/2026
Available for Home Service!📩PM para sa detalye.
26/03/2026

Available for Home Service!
📩PM para sa detalye.

25/03/2026
ANO NGA BA ANG BLOOD GLUCOSE? 🤔Ang blood glucose ay ang asukal (sugar) na nasa dugo natin. Ito ang pangunahing pinagmumu...
23/03/2026

ANO NGA BA ANG BLOOD GLUCOSE? 🤔

Ang blood glucose ay ang asukal (sugar) na nasa dugo natin. Ito ang pangunahing pinagmumulan ng enerhiya ng katawan. Galing ito sa mga pagkaing may carbohydrates tulad ng kanin, tinapay, at matatamis.

Kapag laging mataas ang blood glucose:
• Pwedeng mauwi sa diabetes
• Nakakaapekto sa puso, mata, at kidneys

Kapag sobrang baba:
• Nahihilo
• Pinagpapawisan
• Nanghihina

💡 Simple lang:
➡️ Tamang level = may sapat kang energy
➡️ Sobrang taas = pwedeng magdulot ng sakit
➡️ Sobrang baba = pwedeng manghina o mahilo

Alagaan ang katawan, balanse ang susi sa magandang kalusugan 💙

ANO-ANONG SAKIT ANG PUWEDENG MA-DETECT SA IHI? 🤔Ang urinalysis (pagsusuri ng ihi) ay simpleng test pero maraming pwedeng...
22/03/2026

ANO-ANONG SAKIT ANG PUWEDENG MA-DETECT SA IHI? 🤔

Ang urinalysis (pagsusuri ng ihi) ay simpleng test pero maraming pwedeng malaman tungkol sa kalusugan mo.

💡 Narito ang ilang sakit na pwedeng ma-detect:
1. Urinary Tract Infection (UTI)
• May bacteria sa ihi
• Madalas may hapdi o sakit kapag umiihi
2. Diabetes
• May asukal (glucose) sa ihi
• Senyales na mataas ang blood sugar
3. Kidney Problems
• May protein o dugo sa ihi
• Pwedeng indikasyon ng problema sa kidneys
4. Kidney Stones
• May crystals sa ihi
• Pwedeng magdulot ng matinding sakit
5. Liver Problems
• May abnormal substances sa ihi (tulad ng bilirubin)

💡 Simple lang:
➡️ Normal na ihi = healthy
➡️ May kakaiba = kailangan i-check

Ang ihi ay hindi lang “waste” — isa rin itong clue sa kalusugan mo! 💙

21/03/2026

🩺 Bakit nga ba ginagawa ang screening tests?

Hindi lahat ng sakit may agad na nararamdaman. Minsan, tahimik lang sila, walang sintomas, pero unti-unting nakakaapekto sa katawan.
Dito pumapasok ang screening tests.

✅ Maagang pagtuklas
Nahuhuli ang sakit bago pa ito lumala. Mas mataas ang chance na maagapan at magamot.
✅ Pag-iwas sa komplikasyon
Kapag maaga mong nalaman, mas maiiwasan ang mas seryosong kondisyon at gastos sa gamutan.
✅ Peace of mind
Mas kampante ka kapag alam mong okay ang kalagayan ng iyong kalusugan.
✅ Mas maayos na lifestyle choices
Nagiging guide ito para baguhin o i-maintain ang healthy habits.

💡 Tandaan: Ang screening tests ay hindi lang para sa may sakit para ito sa LAHAT na gustong manatiling malusog.
Magpa-check, magpa-screen, at alagaan ang sarili. Dahil ang kalusugan, hindi hinihintay, pinaghahandaan.

And yes andito na… 🎉 FREEBIES REVEAL!Randomly tayong pipili ng 5 lucky followers (each test) para makasama sa pa- raffle...
20/03/2026

And yes andito na… 🎉 FREEBIES REVEAL!

Randomly tayong pipili ng 5 lucky followers (each test) para makasama sa pa- raffle natin!
Tag mo na rin ang family or friends na may senior sa bahay. Pwede mo din ibigay kay mama, papa, lolo, lola if sakaling ikaw ang mapili, kayo na po bahala.😁

Comment “Health is Life” para makasali.

PRIZES:
🎁 5 Free cholesterol tests
🎁 5 Free uric acid tests
🎁 5 Free blood glucose tests
🎁 5 Free urine tests
🎁 3 Online consultation with Medical Doctor

DEADLINE OF ENTRY: March 25, 2026 at 7PM
ANNOUNCEMENT OF WINNERS: March 26, 2026

Sa mga di mapipili, GOOD NEWS pa din, pwede po kayo mag-avail ng test at a DISCOUNTED PRICE, sa March 27, 2026.
+ Free BP sa mga pupunta - limited slots lang.

Follow us para updated ka.

Address

Agos
Polangui
4506

Opening Hours

Monday 7am - 4pm
Tuesday 7am - 4pm
Wednesday 7am - 4pm
Thursday 7am - 4pm
Friday 7am - 2pm
Saturday 7am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Abe-Gon Health Monitoring Services posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share