Buyo Health Center - Polangui

Buyo Health Center - Polangui Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Buyo Health Center - Polangui, Medical and health, Zone 3 Buyo, Polangui.

📌🩺Health ConsultationSeptember 29, 2025
05/10/2025

📌🩺Health Consultation

September 29, 2025

💉NIP💉September 16, 2025
05/10/2025

💉NIP💉

September 16, 2025

24/09/2025

ALAMIN ang dapat gawin Bago, Habang at Matapos ang isang bagyo o baha

Bago bumagyo o bumaha
-I-check ang mga parte ng bahay. Ayusin
ang mga sirang bahagi
-Ibaba ang mga babasaging gamit sa sahig
-Maghanda ng Emergency Go Bag o E-Balde
-Makinig sa radyo o TV para sa mga balita tungkol sa bagyo
-Alamin ang mga emergency numbers na maaaring tawagan
-Alamin kung saan ang evacuation center sa inyong lugar

Habang Bumabagyo o Bumabaha
-Makinig sa radyo o TV ukol sa balita tungkol sa bagyo
-Huwag hayaan ang mga bata na maglaro sa ulan
-Ihanda ang mga pagkain upang hindi ito masira
-Uminom lamang ng malinis na tubig. Kung hindi sigurado, pakuluan ito hanggang dalawang minuto
-Huwag buksan ang mga kagamitang nabaha tulad ng gas o electrical appliances
-Kung hindi kinakailangan, huwag lumabas ng bahay
-Mag ingat sa mga lumilipad na bagay
-Huwag pumunta sa tabing-ilog o dagat, pati sa mga lugar na maaaring mag- landslide
-Tumawag o humingi ng tulong kung nasugatan
-Iwasan ang mga lugar na may baha. Maaari itong makakuryente o magdulot ng sakit.
-Mag evacuate kung kinakailangan. Sundin ang protocol ng inyong barangay.

Pagkatapos bumagyo o bumaha
-Magsuot ng protective equipment tulad ng gloves at bota. Suriing mabuti ang inyong bahay bago bumalik dito
-Mag ingat sa mga hayop na maaaring nakapasok sa loob ng inyong bahay.
-Ireport agad kung mayroong sirang electrical cable o linya ng telepono
-Huwag buksan ang main power switch o magsaksak ng electrical appliances. Tumawag muna sa isang electrician.
-Suriin ang mga pagkain at itapon ang mga nasira dahil sa baha.

Maging mapagmatyag at laging handa sa sakuna.

24/09/2025

I-ready ang inyong Emergency Go Bag upang maging handa sa paparating na bagyong 🎒👜

Laman nito ang mga essential kit na magagamit lalo na tuwing sakuna.

Tingnan ang inyong Go Bag checklist 👇at siguraduhing kompleto ang lahat ng kailangan. ✅

09/11/2025Obesity Awareness Activity with collaboration with Polangui Nutrition personnel specially to Mam Chix, Mam Eil...
16/09/2025

09/11/2025

Obesity Awareness Activity with collaboration with Polangui Nutrition personnel specially to Mam Chix, Mam Eilile and mam Leni. Salamat po.

09/11/2025🩺💉🩸Non - Communicable Disease check up.Doctor Gerard Joseph R. RabeRHM Gelica Mae Dela PasionHRHMam VanMam Eni...
16/09/2025

09/11/2025

🩺💉🩸Non - Communicable Disease check up.

Doctor Gerard Joseph R. Rabe
RHM Gelica Mae Dela Pasion

HRH
Mam Van
Mam Enid
Mam Elsa
Sir Don
Sir Rover

Driver: Sir Vhing
Sir Julious
Sir Tom

09/10/25📌Prenatal🩸Blood Sugar Monitoring💉Family Planning Injection
16/09/2025

09/10/25

📌Prenatal
🩸Blood Sugar Monitoring
💉Family Planning Injection

16/09/2025

‼️DOH: PALAKASIN ANG PEER SUPPORT GROUPS KONTRA SUICIDE‼️

Inirerekomenda ng DOH ang pagsasapinal at patuloy na pagsuporta sa mga youth-led peer support group para matugunan ang lumalaking pangangailangan para sa mga programang may kinalaman sa mental health.

Kaugnay nito, inilunsad na sa 50 Provincial at City-Wide Health Systems (P/CWHS) ang paggamit ng DOH Peer Support Groups Playbook.

Kabilang sa playbook ang mga training para sa mga peer facilitators at mga educational materials para higit pang buksan sa kabataan ang usaping mental health.

Sa pamamagitan ng peer support groups, nagkakaroon ang kabataan ng ligtas na espasyo kung saan sila ay napapakinggan, nauunawaan, at nagiging bahagi ng isang inklusibo at pantay na komunidad (WHO, 2021).

Batay sa DOH National Assessment of the Mental Health Literacy of Filipinos (2024), 2 sa bawat 3 kabataang Pilipino ay handang humingi ng tulong—isang malinaw na palatandaan na bukas ang kabataan sa pag-uusap at pagtutulungan, lalo na para sa mga may pinagdadaanan.





***dePreventionDay

16/09/2025

3rd Week of September is Alzheimer’s Disease Awareness Week 👨🏻‍🦳🩺

Ang sakit na Alzheimer’s ay nagdudulot ng unti-unti at progresibong kapansanan sa pag-uugali at pag-iisip ng isang tao.

Kapag may nararanasang sintomas, kumonsulta sa pinakamalapit na health center o mga Mental Health Access Sites para sa tulong: https://docs.google.com/spreadsheets/u/1/d/1M5UqsKFMFCioaiwqRR-YJIh_PPJLforH/htmlview?usp=embed_facebook

Alagaan ang ating mga mahal sa buhay. Maging mapagmatyag sa mga sintomas ng Alzheimer’s disease.


08/09/2025

Ang mga kanser sa dugo ay mga ‘silent killer’ na matutugunan ng maagap na gamutan, kapag maaga ring na-diagnose.

🩺 Magpatingin agad pag may napansin sa mga sumusunod na warning signs:
Pamumutla
Panghihina
Madalas o matagal na lagnat
Namamagang kulani na hindi masakit
Biglang pagbagsak ng timbang

💡 Para sa karagdagang impormasyon ukol sa mga benepisyo, basahin ang mga nasa sumusunod na link: https://linktr.ee/DOHCancerSupport

Source: Global Cancer Observatory




08/09/2025

🌿 Breaking the Silence: Changing the Narrative on Su***de 🌿
📅 September 9, 2025 | 🕘 9:00 AM – 11:00 AM

👉 Register now and be part of the movement: https://bit.ly/BreakingTheSilence2025

💬 Alam mo ba na the words we use can either build stigma or open doors to healing? Join us sa — isang half-day online event na magbabago kung paano natin pinag-uusapan ang su***de.

Kasama ang mga mental health advocates at expertsmatutunan natin how language, media, and everyday conversations can create a safer, more compassionate space for those at risk.

✨ Together, let’s break the silence and foster hope.

***dePrevention

Paano maging Healthy? Ugaliing gawin ang 7 Healthy Habits!Be healthy🥰Gusto ko Healthy kayo - Nars Ritz☺️
07/09/2025

Paano maging Healthy? Ugaliing gawin ang 7 Healthy Habits!
Be healthy🥰

Gusto ko Healthy kayo - Nars Ritz☺️

Address

Zone 3 Buyo
Polangui
4506

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Buyo Health Center - Polangui posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram