19/03/2020
Bailan District Hospital ay nag iisang hospital sa unang distrito nang Capiz na nag nagseserbisyo sa apat na bayan na nasasakupan or catchment area nito (namely: Pontevedra, Pres. Roxas, Pilar and Maayon) at iba pang kalapit na mga bayan. Sa panahon nang kalamidad, lalo na ngayon mayroon kinakaharap na global crisis nang dahil sa COVID-19, lahat nang mga staff magmula sa mga Doctor, Nurses, Nursing Attendant, IW/Institutional Workers, Administrative Staff, Pharmacist, Med. techs, at iba pang personnel nang hospital ay nahaharap sa matinding pagsubok upang labanan ang Corona Virus or COVID-19 at mapagsilbihan lahat nang nangangailangan nang serbisyo medikal. Dahil sa kakulangan nang resources kanya kanyang initiative para gumawa nang Personal Protective Equipment (PPE) para proteksyonan ang sarili laban sa virus at para lang ma gampanan ang pagtupad sa tungkulin at mapangalagaan ang mga pasyente... Sa kasalukuyan, kinakailangan nang hospital nang mga protective gears, alcohol, facemask, mga sabon at mga disenfectant para harapin at labanan ang pagkalat nang COVID-19. Nanawagan po kami sa mga maaring pwedeng magdonate nang mga PPE, alcohol, at mga disenfectant... Sa mga gustong magdonate, mangyari po lamang na makipag ugnayan sa management nang ospital, or magcomment sa page na ito....ngayon po natin kailangan ang "MAG BAYANIHAN PARA SA MGA KABABAYAN".....Thanks in advance.......Prayer for our frontliners and Hospital personnels....🙏🙏🙏
-ibig