08/11/2025
NA PAALALA MULA SA POZORRUBIO COMMUNITY HOSPITAL
Alinsunod sa opisyal na anunsyo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan hinggil sa suspension of work sa lahat ng tanggapan ng lalawigan sa darating na Lunes, Nobyembre 10, 2025, ipinaaalam po namin sa publiko na:
🚫 Walang pasok at walang operasyon ang ABTC Clinic at Out-Patient Department (OPD) sa nasabing araw.
* Gayunpaman, bukas po ang ospital para sa mga emergency cases upang matiyak na patuloy pa rin ang agarang serbisyong medikal sa mga nangangailangan.
Hinihiling po namin ang inyong pang-unawa at pakikiisa habang pansamantalang suspendido ang ilang serbisyo. Ang hakbang na ito ay iminumungkahi upang mapangalagaan ang kaligtasan at kapakanan ng lahat.
💙 Paalala sa lahat: Manatili po muna sa inyong mga tahanan, maging maingat, at patuloy na sumubaybay sa mga opisyal na anunsyo mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na tiwala at suporta sa PCH.
sa Lunes, November 10, 2025
Bilang pag-iingat at paghahanda sa Tropical Storm , suspendido ang lahat ng klase sa lahat ng antas, pampubliko at pribado, at ang lahat ng trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan sa buong lalawigan ng Pangasinan.
Mag-ingat at manatiling ligtas, Pangasinan!