Gabay Pangkalusugan ng Puerto Princesa City

Gabay Pangkalusugan ng Puerto Princesa City Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Gabay Pangkalusugan ng Puerto Princesa City, Medical and health, 2F Old City Hall Building, Bgy. Sta. Monica, Puerto Princesa.

๐ŸฆŸ ๐‘ท๐’“๐’๐’•๐’†๐’Œ๐’•๐’‚๐’‰๐’‚๐’ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ฐ๐’š๐’๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’‚๐’Ž๐’Š๐’๐’š๐’‚ ๐‘ณ๐’‚๐’ƒ๐’‚๐’ ๐’”๐’‚ ๐‘ด๐’‚๐’๐’‚๐’“๐’Š๐’‚!Alam mo ba na ang malaria ay isang seryosong sakit na nakukuha mula sa ...
20/11/2025

๐ŸฆŸ ๐‘ท๐’“๐’๐’•๐’†๐’Œ๐’•๐’‚๐’‰๐’‚๐’ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ฐ๐’š๐’๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’‚๐’Ž๐’Š๐’๐’š๐’‚ ๐‘ณ๐’‚๐’ƒ๐’‚๐’ ๐’”๐’‚ ๐‘ด๐’‚๐’๐’‚๐’“๐’Š๐’‚!

Alam mo ba na ang malaria ay isang seryosong sakit na nakukuha mula sa kagat ng lamok? Ngunit ๐’Ž๐’‚๐’Š๐’˜๐’‚๐’”๐’‚๐’ ๐’‚๐’• ๐’Ž๐’‚๐’๐’–๐’๐’–๐’๐’‚๐’”๐’‚๐’ ito kung tayo ay may tamang kaalaman at maagap na aksyon. Kaya naman, hinihikayat ng Puerto Princesa City Health Office ang lahat na isabuhay ang ๐Š-๐-๐“ bilang gabay sa pag-iwas at tamang pag-alaga!

๐ŸŒ™ ๐Š โ€“ ๐Š๐ฎ๐ฅ๐š๐ฆ๐›๐จ

Gumamit ng kulambong may insecticide o Long Lasting Insecticide-Treated Net (LLIN) tuwing matutulog. Napakahalaga nito lalo na para sa mga buntis at bata. Ang simpleng hakbang na ito ay kayang magpababa ng tsansa ng pagkakaroon ng malaria.

๐Ÿ’‰ ๐ โ€“ ๐๐ฅ๐จ๐จ๐ ๐’๐ฆ๐ž๐š๐ซ
Magpa-blood smear agad kahit sinat o simpleng lagnat lang ang nararamdaman, lalo na kung ikaw ay nakatira o nagmula sa mga lugar na may kaso ng malaria. Ang maagang diagnosis ay susi para sa mabilis at epektibong paggamot.

๐Ÿฉบ ๐“ โ€“ ๐“๐š๐ฆ๐š๐ง๐  ๐†๐š๐ฆ๐ฎ๐ญ๐š๐ง

Kung magpositibo, sundin nang tama at kompleto ang ibinigay na gamutan. Huwag tumigil sa pag-inom ng gamot kahit mawala na ang sintomas. Ang pagsunod sa tamang gamutan ay nagtitiyak ng ganap na paggaling at pag-iwas sa pagkalat ng sakit.

At ang pinakamaganda ritoโ€”๐‹๐ˆ๐๐‘๐„ ang lahat ng ito!

Bumisita lamang sa inyong Barangay Microscopist o sa pinakamalapit na Health Center para sa libreng konsultasyon, blood smear, at tamang gamutan.

๐ŸŒฟ ๐‘จ๐’๐’ˆ ๐’Œ๐’‚๐’๐’–๐’”๐’–๐’ˆ๐’‚๐’ ๐’‚๐’š ๐’š๐’‚๐’Ž๐’‚๐’โ€”๐’‚๐’• ๐’Š๐’•๐’โ€™๐’š ๐’š๐’‚๐’Ž๐’‚๐’ ๐’๐’‚ ๐’‰๐’Š๐’๐’…๐’Š ๐’…๐’‚๐’‘๐’‚๐’• ๐’‘๐’Š๐’๐’‚๐’‘๐’‚๐’ƒ๐’‚๐’š๐’‚๐’‚๐’.

๐’๐š๐ฆ๐š-๐ฌ๐š๐ฆ๐š ๐ง๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ญ๐š๐ฉ๐ฎ๐ฌ๐ข๐ง ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ฅ๐š๐ซ๐ข๐š ๐ฌ๐š ๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ค๐จ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐๐š๐!








 #๐‚๐ˆ๐Ž ๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€๐๐† ๐Š๐€๐‹๐”๐’๐”๐†๐€๐ || ๐๐๐’, ๐๐€๐๐†๐”๐๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐€๐Š๐€๐๐”๐‹๐”๐‡๐€๐๐† ๐‘๐€๐‚๐„ ๐Š๐Ž๐๐“๐‘๐€ ๐๐ˆ๐’๐˜๐Ž Matagumpay na naisagawa ang Beat the Bisyo Ra...
18/11/2025

#๐‚๐ˆ๐Ž ๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€๐๐† ๐Š๐€๐‹๐”๐’๐”๐†๐€๐ || ๐๐๐’, ๐๐€๐๐†๐”๐๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐€๐Š๐€๐๐”๐‹๐”๐‡๐€๐๐† ๐‘๐€๐‚๐„ ๐Š๐Ž๐๐“๐‘๐€ ๐๐ˆ๐’๐˜๐Ž

Matagumpay na naisagawa ang Beat the Bisyo Race 2025 noong Nobyembre 14 sa Abueg Gymnasium ng Palawan National School (PNS), isang programang naglalayong palawakin ang kamalayan ng kabataan sa kahalagahan ng pag-iwas sa bisyo tulad ng paninigarilyo, pag-inom ng alak, at paggamit ng ipinagbabawal na droga upang mapanatili ang mabuting kalusugan.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Health Education and Promotion Unit (HEPU) ng City Health Office sa pakikipagtulungan ng Provincial DOH Officeโ€“Palawan.

Walong school organizations mula sa Junior at Senior High School ng PNS ang lumahok sa kompetisyon. Bago simulan ang race, nagsagawa si Dr. Jose Rafael J. Malonda, Medical Specialist II ng Ospital ng Palawan, ng Substance Abuse Lecture kung saan tinalakay ang pinakabagong scientific research ukol sa masamang epekto ng paninigarilyo at va**ng sa kalusugan at kinabukasan ng kabataan.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Dr. Peter Hew G. Curameng, Provincial DOH Officer ng PDOHOโ€“Palawan, ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalusugan bilang puhunan para sa magandang kinabukasan. Aniya, โ€œMas maraming maaaring gawin at mas malayo ang mararating sa buhay kung mapapanatiling malusog ang katawanโ€”walang bisyo at ligtas sa anumang sakit. Ang ating katawan ay templo ng Panginoon kayaโ€™t nararapat lamang itong igalang at ingatan.โ€

Ipinanawagan din ni Assistant Principal Ofelia Recalde sa mga kabataang kalahok na ibahagi sa kanilang kapwa mag-aaral ang mga natutunan nila mula sa aktibidad, upang โ€œmag-radiate sa buong komunidad ng PNS at maging inspirasyon sa mas maraming kabataan ang pagpili ng malusog na pamumuhay.โ€

May walong stations ang race na kailangang lampasan ng bawat grupo sa pinakamabilis na oras. Kabilang sa mga ito ang:๏ฟฝPinggang Pinoy Eating Challenge, Burn the Calories, Eco-Clean (Clean Environment), Immunization/Vaccination Puzzle Challenge, Smokerโ€™s Body, 6 Mind Boost Memory Game, Sexual and Reproductive Health Word Search, at Violence and Injury Prevention โ€“ Traffic/Road Signages.
Nagkampeon ang Team BKB 2.0 (Barkada Kontra Bisyo 2.0) na bumawi sa bilis sa mga huling stations matapos ang kanilang warm-up at dry-run strategy. Tumanggap sila ng โ‚ฑ10,000 na cash prize.

Tinanghal na 1st Runner-Up ang Team SSLG (Supreme Secondary Learners Government) na nagpakitang-gilas sa diskarte at teamwork, at nakatanggap ng โ‚ฑ7,000.
Nakamit naman ng Team YRG (Young Researchers Guild) ang 2nd Runner-Up matapos ang serye ng paghahanda at pagpaplano. Tumanggap sila ng โ‚ฑ5,000.
Ang iba pang lumahok na grupo ay tumanggap ng โ‚ฑ1,500 consolation prize.

Sa pagtatapos ng programa, pinasalamatan ni Dr. Ralph Marco Flores, Rural Health Physician, Health System Support Division Chief, at HEPU Head, ang lahat ng estudyante, g**o, at pamunuan ng PNS sa kanilang aktibong pakikiisa. Ipinahayag din niyang magsisikap ang City Health Office na magsagawa pa ng mga katulad na aktibidad sa susunod na taon upang mas maitanim sa kabataan ang kahalagahan ng pag-iingat at pagpapanatiling malusog ng katawan para sa mas maaliwalas na kinabukasan.




๐Ÿค’ Ano ang Influenza-like Illness (ILI)?Ito ay mga nakakahawang sakit na dulot ng ibaโ€™t ibang virus o bacteria na nagdudu...
06/11/2025

๐Ÿค’ Ano ang Influenza-like Illness (ILI)?
Ito ay mga nakakahawang sakit na dulot ng ibaโ€™t ibang virus o bacteria na nagdudulot ng impeksyon sa ilong, lalamunan, at baga.

๐Ÿ’ก Maging alerto sa mga sintomas at alamin kung paano ito maiiwasan!

๐——๐—ข๐—› ๐— ๐—œ๐— ๐—”๐—ฅ๐—ข๐—ฃ๐—” ๐—–๐—›๐—— ๐—›๐—˜๐—”๐—Ÿ๐—ง๐—› ๐—”๐——๐—ฉ๐—œ๐—ฆ๐—ข๐—ฅ๐—ฌ๐ŸšจNgayon tag-ulan, sabay-sabay nating labanan ang ๐—ช.๐—œ.๐—Ÿ.๐—— ๐——๐—ถ๐˜€๐—ฒ๐—ฎ๐˜€๐—ฒ๐˜€.Alam mo bang dala-dala...
06/11/2025

๐——๐—ข๐—› ๐— ๐—œ๐— ๐—”๐—ฅ๐—ข๐—ฃ๐—” ๐—–๐—›๐—— ๐—›๐—˜๐—”๐—Ÿ๐—ง๐—› ๐—”๐——๐—ฉ๐—œ๐—ฆ๐—ข๐—ฅ๐—ฌ๐Ÿšจ

Ngayon tag-ulan, sabay-sabay nating labanan ang ๐—ช.๐—œ.๐—Ÿ.๐—— ๐——๐—ถ๐˜€๐—ฒ๐—ฎ๐˜€๐—ฒ๐˜€.

Alam mo bang dala-dala nito ang iba't ibang sakit na mapanganib sa ating kalusugan?

โš ๏ธ๐—ช๐—ฎ๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ฏ๐—ผ๐—ฟ๐—ป๐—ฒ ๐—ฑ๐—ถ๐˜€๐—ฒ๐—ฎ๐˜€๐—ฒ๐˜€
โš ๏ธ๐—œ๐—ป๐—ณ๐—น๐˜‚๐—ฒ๐—ป๐˜‡๐—ฎ-๐—น๐—ถ๐—ธ๐—ฒ ๐—ถ๐—น๐—น๐—ป๐—ฒ๐˜€๐˜€๐—ฒ๐˜€
โš ๏ธ๐—Ÿ๐—ฒ๐—ฝ๐˜๐—ผ๐˜€๐—ฝ๐—ถ๐—ฟ๐—ผ๐˜€๐—ถ๐˜€
โš ๏ธ๐——๐—ฒ๐—ป๐—ด๐˜‚๐—ฒ

Labanan ang ๐—ช.๐—œ.๐—Ÿ.๐—— ๐——๐—ถ๐˜€๐—ฒ๐—ฎ๐˜€๐—ฒ๐˜€ at sundin ang mga sumusunod na paalala upang maiwasan ang mga sakit na ito!

๐‘ด๐’‚๐’ˆ๐’๐’Š๐’๐’Š๐’”. ๐‘ด๐’‚๐’ˆ๐’Ž๐’‚๐’”๐’Š๐’…. ๐‘ด๐’‚๐’ˆ-๐’Š๐’๐’ˆ๐’‚๐’•.






06/11/2025

Emergency na kailangan ng Ambulansya? Tumawag sa HERO Hotline at puwede rin tumawag sa 911 Hotline para sa katugunan.

06/11/2025
05/11/2025

MAPANGANIB ANG BAHA! Hanggaaโ€™t maaari ay โ€˜wag lumusong sa baha! Mayroon itong:

โ˜ ๏ธ Mikrobyong nagdadala ng leptospirosis

โ˜ ๏ธDumi ng tao at hayop

โ˜ ๏ธBasura at iba pang kemikal

Agad na maghugas ng katawan gamit ang tubig at sabon. Tiyakin na magpakonsulta sa doktor pag lumusong sa baha!

05/11/2025

Lumusong sa baha? Iwasan ang Leptospirosis!
Magpakonsulta kaagad!

Maging ligtas ngayon tag-ulan. Konsultayo!

05/11/2025

Pangalagaan ang ating kalusugan. Iwasan ang Leptospirosis!

๐Ÿ  ๐’๐€ ๐๐€๐๐€๐‡๐Ž๐ ๐๐† ๐๐€๐†๐˜๐Ž, ๐€๐๐† ๐Š๐€๐‹๐ˆ๐†๐“๐€๐’๐€๐ ๐๐† ๐๐€๐Œ๐ˆ๐‹๐˜๐€ ๐€๐˜ ๐๐€๐’๐€ ๐“๐€๐Œ๐€๐๐† ๐๐€๐†๐‡๐€๐‡๐€๐๐ƒ๐€! ๐ŸŒง๏ธHindi lahat ng sakuna ay mapipigilan โ€” ๐ฆ๐š๐š...
03/11/2025

๐Ÿ  ๐’๐€ ๐๐€๐๐€๐‡๐Ž๐ ๐๐† ๐๐€๐†๐˜๐Ž, ๐€๐๐† ๐Š๐€๐‹๐ˆ๐†๐“๐€๐’๐€๐ ๐๐† ๐๐€๐Œ๐ˆ๐‹๐˜๐€ ๐€๐˜ ๐๐€๐’๐€ ๐“๐€๐Œ๐€๐๐† ๐๐€๐†๐‡๐€๐‡๐€๐๐ƒ๐€! ๐ŸŒง๏ธ

Hindi lahat ng sakuna ay mapipigilan โ€” ๐ฆ๐š๐š๐š๐ซ๐ข ๐ง๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐›๐š๐ฐ๐š๐ฌ๐š๐ง ๐š๐ง๐  ๐ž๐ฉ๐ž๐ค๐ญ๐จ ๐ง๐ข๐ญ๐จ ๐ฌ๐š ๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐›๐ฎ๐ก๐š๐ฒ ๐ค๐ฎ๐ง๐  ๐ญ๐š๐ฒ๐จ ๐š๐ฒ ๐ฆ๐š๐š๐ ๐š๐ง๐  ๐ง๐š๐ ๐ก๐š๐ก๐š๐ง๐๐š.

Narito ang mga praktikal pero mahalagang hakbang na dapat gawin sa bahay habang may paparating na bagyo:
โœ… ๐ˆ๐ก๐š๐ง๐๐š ๐š๐ง๐  ๐„๐ฆ๐ž๐ซ๐ ๐ž๐ง๐œ๐ฒ ๐†๐Ž ๐๐š๐ 
โ€“ Dapat may lamang pagkain, tubig, flashlight, baterya, powerbank, gamot, first aid kit, IDs, cash, at mahahalagang dokumento.
โœ… ๐ˆ-๐œ๐ก๐š๐ซ๐ ๐ž ๐š๐ง๐  ๐ ๐š๐๐ ๐ž๐ญ๐ฌ ๐š๐ญ ๐ฉ๐จ๐ฐ๐ž๐ซ ๐›๐š๐ง๐ค
โ€“ Panatilihing may sapat na baterya ang cellphone para sa komunikasyon at balita.
โœ… ๐๐š๐ง๐š๐ญ๐ข๐ฅ๐ข๐ก๐ข๐ง๐  ๐ง๐š๐ค๐š๐ฌ๐š๐ซ๐š ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐›๐ข๐ง๐ญ๐š๐ง๐š ๐š๐ญ ๐ฉ๐ข๐ง๐ญ๐จ
โ€“ Upang hindi mapasok ng hangin at ulan ang loob ng bahay.
โœ… ๐€๐ฒ๐ฎ๐ฌ๐ข๐ง ๐š๐ญ ๐ข๐ญ๐š๐š๐ฌ ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐ ๐š๐ฆ๐ข๐ญ ๐ฌ๐š ๐ฅ๐จ๐จ๐› ๐ง๐  ๐›๐š๐ก๐š๐ฒ
โ€“ Lalo na kung mataas ang posibilidad ng pagbaha sa inyong lugar.
โœ… ๐Š๐ฎ๐ง๐  ๐ค๐š๐ฒ๐š, ๐ฉ๐š๐ญ๐š๐ฒ๐ข๐ง ๐š๐ง๐  ๐ค๐ฎ๐ซ๐ฒ๐ž๐ง๐ญ๐ž ๐š๐ญ ๐‹๐๐†
โ€“ Kapag may pagbaha na, iwasan ang sakuna tulad ng sunog at kuryenteng kumalat sa tubig.
๐Ÿ“ž ๐“๐ฎ๐ฆ๐š๐ฐ๐š๐  ๐š๐ ๐š๐ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐„๐ฆ๐ž๐ซ๐ ๐ž๐ง๐œ๐ฒ ๐‡๐จ๐ญ๐ฅ๐ข๐ง๐ž 911 ๐ค๐ฎ๐ง๐  ๐ค๐š๐ข๐ฅ๐š๐ง๐ ๐š๐ง ๐ง๐  ๐š๐ ๐š๐ซ๐š๐ง๐  ๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐ .
Huwag mahiyang humingi ng saklolo kung nasa panganib.
๐Ÿ“Œ ๐Œ๐š๐ค๐ข๐ง๐ข๐  ๐ฌ๐š ๐จ๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐š๐ง๐ฎ๐ง๐ฌ๐ฒ๐จ ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š ๐ฌ๐š ๐‹๐†๐” ๐š๐ญ ๐ก๐ฎ๐ฐ๐š๐  ๐ ๐ฎ๐ฆ๐š๐ฐ๐š ๐ง๐  ๐ฌ๐š๐ซ๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐๐ž๐ฌ๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ค๐ฎ๐ง๐  ๐ค๐š๐ข๐ฅ๐š๐ง ๐ฅ๐ข๐ฅ๐ข๐ค๐š๐ฌ.
Ang tamang timing sa paglikas ay maaaring makapagligtas ng buhay.
๐Ÿ“ฃ ๐Œ๐š๐ ๐ข๐ง๐  ๐š๐ฅ๐ž๐ซ๐ญ๐จ, ๐ฆ๐š๐ ๐ข๐ง๐  ๐ก๐š๐ง๐๐š, ๐š๐ญ ๐ฆ๐š๐ ๐ข๐ง๐  ๐ฅ๐ข๐ ๐ญ๐š๐ฌ. ๐’๐š ๐›๐š๐ฐ๐š๐ญ ๐›๐š๐ ๐ฒ๐จ, ๐ฆ๐š๐ฒ ๐ฆ๐š๐ ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ค๐š ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฉ๐ซ๐จ๐ญ๐ž๐ค๐ญ๐š๐ก๐š๐ง ๐š๐ง๐  ๐ข๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฒ๐š.
๐Ÿ” I-share ang post na ito at sabay-sabay tayong maging bahagi ng isang handa at ligtas na komunidad.

๐—ฅ๐—ข๐—”๐—— ๐—ฆ๐—”๐—™๐—˜๐—ง๐—ฌ ๐—ฅ๐—˜๐— ๐—œ๐—ก๐——๐—˜๐—ฅ๐—ฆWalang jowa na susundo? ๐Ÿ˜…Ok lang, may app na loyal 24/7, ang PPC TODA App! ๐Ÿ’™Mag-book na sa PPC TODA...
31/10/2025

๐—ฅ๐—ข๐—”๐—— ๐—ฆ๐—”๐—™๐—˜๐—ง๐—ฌ ๐—ฅ๐—˜๐— ๐—œ๐—ก๐——๐—˜๐—ฅ๐—ฆ
Walang jowa na susundo? ๐Ÿ˜…
Ok lang, may app na loyal 24/7, ang PPC TODA App! ๐Ÿ’™

Mag-book na sa PPC TODA APP! kahit anong oras, kahit saan!
๐Ÿš˜ Download the app
๐Ÿงโ€โ™‚๏ธ Register your account
๐Ÿ“ฑ Book your ride - Safe, easy, and reliable!

๐—ฅ๐—ข๐—”๐—— ๐—ฆ๐—”๐—™๐—˜๐—ง๐—ฌ ๐—ฅ๐—˜๐— ๐—œ๐—ก๐——๐—˜๐—ฅ๐—ฆKapag iinom, magtalaga ng designated driver.Sama-sama nating pangalagaan ang kaligtasan sa kalsada....
30/10/2025

๐—ฅ๐—ข๐—”๐—— ๐—ฆ๐—”๐—™๐—˜๐—ง๐—ฌ ๐—ฅ๐—˜๐— ๐—œ๐—ก๐——๐—˜๐—ฅ๐—ฆ
Kapag iinom, magtalaga ng designated driver.
Sama-sama nating pangalagaan ang kaligtasan sa kalsada. ๐Ÿš—โœจ

Address

2F Old City Hall Building, Bgy. Sta. Monica
Puerto Princesa
5300

Telephone

+639301043548

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Gabay Pangkalusugan ng Puerto Princesa City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Gabay Pangkalusugan ng Puerto Princesa City:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram