06/11/2025
Tulong para sa Roxas, Palawan 🤍
Matinding pinsala ang iniwan ni Bagyong Tino sa mga pamilya sa Roxas, Palawan. Maraming tahanan ang nawasak, kabuhayan ang naapektuhan, at ilang komunidad ang hirap pa ring makabangon. Sa mga panahong ganito, sama-sama tayong kikilos para maghatid ng pag-asa at tulong sa mga nangangailangan.
📦 Tumatanggap kami ng:
✅ Malinis na inuming tubig
✅ Bigas
✅ Pagkain na hindi madaling masira (canned goods, noodles, etc.)
✅ Gamot at bitamina
✅ Sepilyo, sabon, atbp
✅ Damit at kumot
✅ Cash donations para sa agarang pangangailangan
Lahat ng klaseng tulong ay lubos naming pasasalamatan. Ito ay para sa mga pamilyang nawalan ng lahat. Ang bawat donasyon ay makakatulong sa muling pagbangon ng ating mga kababayan sa Roxas.
Ang aming malilikom ay ating idodocument para sa transparency, makakaasa po kayo na mapupunta po ang bawat donasyon sa mga nangangailangan.
🤝 Sama-sama tayong magbigay, magdasal, at maghatid ng pag-asa.