01/01/2018
PIGSA O BOILS Paanu malunasan sa natural na paraan..
Ito ay isang pamamaga na may naiipung nana sa loob ng isang tissue, ito ay may kaalinsabay na pananakit ,init at pamamaga, kalimitang tumutubo sa singit sa kilikili at sa mga bahagi ng katawan na hindi masyado na eexpose, at pinapas**an ng mga mikrobyo, sa unang araw ay parang pimples lamang o tagihawat na namumula angnpinakagitna at mabilis ang paglaki sa loob ng 24 oras.
Mga dapat tandaan at gawin
1. Huwag itong pisain kaagad, minsan ay nagiging dahilan na mas lalo pang lumala ang infection.
2. Kumain ng mga masusustansyang pagkain hanggat maari.
3. Umiwas sa mga pagkaing may mataas na protina, karne , itlog, shrimp, lobster, isda at iba pa.
4. Panatilihing malinis ang bahagi ng katawan na may pigsa
5. Uminum ng maraming tubig.
Mga natural na paraan ng paggamot.
Tubig
1. Mainit na pomento sa loob ng kalahating oras dalawang ulit maghapon hanggang sa ang mga ito ay mahinog,, kumuha ng mainit na tubig at ilagay ang isang bimpo, pigain ito at ilapat ang bimpo sa bahaging may pigsa,, tandaan na dapat kayang tiisin ang init.
Charcoal o uling
1. Gumawa ng paste mula sa uling, ang pwd gamitin ay uling ng bao, kawayan at mga piling kahoy na herbal katulad ng bayabas at iba pa.
Maglagay ng dalawa hanggang tatlong kutsarang activated charcoal o uling sa mangkok, lagyan ng kunting mainit, dapat hindi masyadong basa at hindi masyadong tuyo,, ilagay sa malinis na panyo ang ginawang paste at itapal sa pigsa, mas maiging dublihan ng plastik pagkatapos maitapal para mas maganda ang resulta.. Nagagawa ng charcoal na higupin ang mga nana at patayin ang mga mikrobyo. Gawin ito tatlo hanggang apat na beses maghapon.
2. Uminum ng charcoal o uling, maglagay ng isa hanggang dalawang kutsara ng uling sa baso, lagyan ng mainit na tubig sapat lamang para ito ay matunaw at dagdagan ng normal na tubig, inumin ito dalawa hanggang tatlong beses maghapon.
Mga halamang gamot.
1. Siling labuyo. Kapag ang pigsa ay maliit palang o kasisimula palang, kumuha ng hinog na siling labuyo pisain ang sili at ilagay ang katas direkta sa pigsa, ulitin ng dalawa hanggang tatlong beses maghapon at mapapansing natutuyo ang pigsa at di na lalaki pa.
2. Whole wheat flour, haluan ng kaunting honey at gawing paste, itapal sa araw o gabi.
3. Alugbati-magdikdik ng dalawang dahon at itapal dalawang ulit maghapon.
4.Gumamela- Magtadtad ng limang dahon at dalawang bulaklak itapal dalawang ulit maghapon.
3. Langka- Kumuha ng kaunting dagta mula sa puno at haluan ng kaunting s**a. Painitin at gamiting pang pomento, gumamit ng maliliit na piraso ng damit o di kaya ay gasa na pang pomento 20 minuto dalawang ulit maghapon.
4. Sambong- Magdikdik ng limang dahon, itapal dalawang ulit maghapon.