19/11/2021
Maraming iba’t ibang klase ng contraceptives, at lahat sila ay pinipigilan na magtagpo ang semilya ng lalaki at itlog ng babae. Kapag ginamit nang tama ang mga contraceptives, walang pagbubuntis na mangyayari. Ang mga halimbawa ng contraceptives ay condom, intrauterine devices (IUD), pills, contraceptive implants, at birth control injections.
Ngunit alin nga bang contraceptive ang “the best” para sa isang taong gagamit nito?
Hindi pare-parehas ang epekto ng iba’t-ibang klase ng contraceptives sa bawat taong gumagamit nito. Hindi porke’t ayaw ng kaibigan mo ang pills, halimbawa, ay hindi na rin ito okay para sa iyo. May choice ka namang sumubok ng iba’t-ibang klase ng contraceptives hanggang sa matumbok mo ang uri ng contraceptive na talagang para sa’yo.
Mainam na mag-research muna para malaman mo kung anong contraceptives ang hiyang sa iyo, komportable kang gamitin, at naaayon sa iyong sitwasyon.
Abangan ang launch ng ugatngkalusugan.org… COMING SOON!!
This project is brought to you by Roots of Health with the support of the Embassy of Canada in the Philippines through Canada Fund for Local Initiatives (CFLI).