Pulilan Municipal Health Office

Pulilan Municipal Health Office To serve quality and comprehensive Health Care Delivery System

IPINABABATID PO SA LAHAT ANG BAGO AT MAS PINAHABANG ORAS AT ARAW NA BUKAS ANG ATING RHU 1.
09/09/2025

IPINABABATID PO SA LAHAT ANG BAGO AT MAS PINAHABANG ORAS AT ARAW NA BUKAS ANG ATING RHU 1.


BHW TRAINING IN SURVEILLANCE AND GATHERING September 8, 2025 | Villa Lorenzo Resort, Poblacion, Pulilan, BulacanIsinagaw...
09/09/2025

BHW TRAINING IN SURVEILLANCE AND GATHERING
September 8, 2025 | Villa Lorenzo Resort, Poblacion, Pulilan, Bulacan

Isinagawa ang isang Orientation at Training hinggil sa mga programa at serbisyo ng PhilHealth Yakap para sa mga Barangay Health Worker (BHW) sa bayan ng Pulilan ngayong araw, Setyembre 8, 2025 sa Villa Lorenzo Resort, Poblacion, Pulilan, Bulacan.

Pinangunahan ang Programa ng Lokal na Pamahalaan at Municipal Health Office ng Pulilan sa pakikipag-ugnayan ng PhilHealth Local Health Insurance Office Malolos.

Layunin ng pagsasanay na palawakin ang kaalaman ng mga BHW sa iba’t ibang benepisyo at serbisyong handog ng PhilHealth upang mas maipaabot ang tamang impormasyon at tulong medikal sa mga mamamayan ng Pulilan.

Itinuturing na mahalagang katuwang ng pamahalaan ang mga BHW sa pagpapatupad ng mga programang pangkalusugan lalo na sa mga barangay, kaya’t binibigyang-diin ang kanilang patuloy na pagsasanay at pagpapalawak ng kaalaman.


21/08/2025

Simula bukas August 6, 2025, 7 DAYS A WEEK na po ang pagbabakuna kontra rabies sa ating Municipal Health Office!

Isang malaking hakbang ito para mas maprotektahan ang ating mga kababayan laban sa rabies. Maraming salamat sa magandang pamumuno ni Dr. Ester Villanueva at sa buong team ng Municipal Health Office.

Gayundin, taos-puso ang pasasalamat sa suporta ng Sangguniang Bayan ng Pulilan sa pangunguna ni Vice Mayor Imee Cruz.

Sama-sama nating isulong ang mas malusog at ligtas na Pulilan! 💉🐶🐱

SCHEDULE:

Monday-Sunday
8am-12 noon





19/08/2025


FAMILY PLANNING MONTHPANALO ANG PAMILYANG PLANADO!
19/08/2025

FAMILY PLANNING MONTH
PANALO ANG PAMILYANG PLANADO!


📣📣 📣Ipinababatid po sa lahat na sa darating na August 31, 2025 ay magkakaroon po tayo ng libreng operasyon na magtatangg...
07/08/2025

📣📣 📣

Ipinababatid po sa lahat na sa darating na August 31, 2025 ay magkakaroon po tayo ng libreng operasyon na magtatanggal ng mga bukol sa iba't ibang parte ng katawan. Ito po ay isang hakbang ni Mayor Rolando S. Peralta Jr. upang patuloy na pagbutihin ang serbisyong medikal sa ating bayan.

Kung sino man po ang gusto magpatanggal ng bukol, maaari pong pumunta sa RHU 1 sa munisipyo sa darating na Lunes alas dos ng hapon (August 11, 2025 2:00pm) upang kayo ay ma screen. Maraming Salamat po.


PABATID SA PUBLIKODahil sa masamang panahon at pag-ulan na dulot ng nagdaang bagyo, napilitang ipagpaliban ang nakatakda...
29/07/2025

PABATID SA PUBLIKO

Dahil sa masamang panahon at pag-ulan na dulot ng nagdaang bagyo, napilitang ipagpaliban ang nakatakdang bloodletting activity na sana’y isinagawa noong mga nakaraang araw. Kaugnay nito, nais naming ipabatid na ang nasabing aktibidad ay muling itinakda sa darating na Agosto 6, 2025 at ito ay gaganapin sa Robinsons Pulilan.

Lubos po ang aming pasasalamat sa inyong pang-unawa at patuloy na suporta sa National Voluntary Blood Donation Program. Ang inyong paglahok ay hindi lamang isang simpleng donasyon kundi isang malaking tulong sa mga nangangailangan ng dugo sa panahon ng kagipitan.

Inaanyayahan po namin ang lahat na makiisa at makilahok sa programang ito. Muli, maraming salamat po.

Agosto 6, 2025
Robinsons Pulilan
Bloodletting


Naglibot ang staff ng Municipal Health Office sa pamumuno ni Dra. Ester Villanueva upang mamigay ng mga gamot na kinakai...
22/07/2025

Naglibot ang staff ng Municipal Health Office sa pamumuno ni
Dra. Ester Villanueva upang mamigay ng mga gamot na kinakailangan ng mga pamilya na nasa evacuation centers.



Kung kayo po ay lumusong sa baha, pde po kayo mabigyan ng  libreng  doxicycline sa mga barangay health centers at sa ati...
22/07/2025

Kung kayo po ay lumusong sa baha, pde po kayo mabigyan ng libreng doxicycline sa mga barangay health centers at sa ating mga RHU.


21/07/2025


16/07/2025


📢 UPDATE: Anti-Rabies Vaccine at Gamot sa Pulilan

Mahal ko pong mga kababayan,

Alam naming may mga nagtatanong kung bakit wala pa tayong anti-rabies vaccine at ilang gamot ngayon. Sagutin na natin nang direkta:

👉 Dumaan po sa proseso — kailangan munang dumaan sa public bidding, alinsunod sa batas.

👉 Bagong halal pa po ang ating Mayor, kaya may inaayos pang mga dokumento at transisyon.

🗓 Naka-schedule na ang bidding sa July 29, 2025.
Pag natapos 'yan at naging maayos ang lahat, makakabili na tayo at makakapag-rollout ng bakuna agad.

Alam namin, mahalaga ito lalo na sa mga may alaga o sa mga nakagat ng hayop. Pero tandaan po natin: Mas mabagal ang tamang proseso — pero ito ang malinis at makatarungan.

🙏 Konting tiis lang po, mga kababayan. Hindi instant, pero siguradong tapat.

Walang shortcut sa maayos na serbisyo. Pero andito po ang inyong lingkod, kasama si Vice Mayor Imee at Bumubuo ng Ika-12 Sangguniang Bayan— nagtatrabaho po para sa inyo.

Address

Poblacion
Pulilan
3005

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pulilan Municipal Health Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Pulilan Municipal Health Office:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram