12/02/2026
Usapang Heart Month? Syempre yan.
Isang malusog na puso para sa lahat ng kabataang Pilipino ngayong buwan ng Pebrero.
Tagging one of our PCMC Pediatric Cardiologist Doc. Jan Kamille Coronel Plaridel Pediatric Cardiology.
Ang buwan ng Pebrero kada taon ay ipinagdiriwang bilang Philippine Heart Month. Layunin nito na paalalahanan ang bawat Pilipino tungkol sa kahalagahan ng pangangalaga sa ating puso at pag-iwas sa mga sakit sa puso.
Ang kalusugan ng puso ay mahalaga para sa masaya at matatag na pamilya. Sama-sama nating pangalagaan ang isa’t isa sa pamamagitan ng:
✔️ Pagkain ng masustansya at balanseng pagkain sa bawat hapag-kainan.
✔️ Pag-eehersisyo nang magkakasama tulad ng paglalakad, pagbibisikleta, o simpleng paggalaw sa bahay.
✔️ Pag-iwas sa sobrang alat, taba, at matatamis na pagkain.
✔️ Hindi paninigarilyo at pag-iwas sa bisyo.
✔️ Paglalaan ng oras para magpahinga at mabawasan ang stress.
✔️ Regular na pagpapatingin sa doktor upang masubaybayan ang presyon at kalusugan ng puso.
❤️💖