11/12/2022
Did you know that diabetics are not allowed to eat fish without scales?
ANO ANG SENYALES NG DIABETES❓
AT PAANO ITO LUNASAN 💪
Ang Diabetes ay sakit na nakakaapekto kung paano ginagamit ng katawan ang ating blood sugar (Glucose). Importante ang Glucose sa kalusugan dahil ito ang pinagmumulan ng enerhiya para sa mga cell na siyang bumubuo sa muscles at tissues. Ito rin ang pinag mumulan ng fuel ng ating utak. Kung ikaw ay may Diabetes, ibig sabihin masyadong maraming Glucose sa iyong dugo. Maaring mauwi sa seryosong problema sa kalusugan ang pagkakaroon ng Diabetes.
Paano mo malalaman na ikaw ay may Diabetes? Ang mga sintomas ay pwedeng mild lamang na maaring hindi mamalayan lalung-lalo na sa mga type 2 na Diabetes. Hindi nalalaman ng ibang tao na sila ay may Diabetes na pala hanggang sila ay nagkakaroon na ng mga problema na maaaring pangmatagalang pinsala nito.
📍Pagkagutom at pagkahapo.
Ginagawang Glucose ng katawan ang mga pagkain na ating kinakain na ginagamit naman ng cells para sa enerhiya. Pero kailangan ng cells ang insulin para maipasok ang Glucose. Kapag ang katawan ay kulang o walang masyadong insulin, o kapag hindi tinatanggap ng cells ang insulin na ginagawa ng katawan hindi nakakapasok ang Glucose kaya wala kang enerhiya.
📍Madalas na pag-ihi at pagkauhaw.
Ang normal na pag-ihi ay apat hanggang pitong beses sa loob ng 24 oras, pero ang mga taong may Diabetes ay higit pa dito. Bakit? Ina-absorb ng katawan ang Glucose habang ito ay dumadaan sa iyong Kidneys. Pero kapag tinataas ng Diabetes ang iyong blood sugar, maaring hindi maibalik ng katawan ang lahat nito. Susubukan nitong alisin ang sobra sa pamamagitan ng paggawa ng maraming ihi na nanganagailangan ng tubig. Maari kang ma-ihi ng mas madalas at dahil dito mas madalas karing makadama ng uhaw.
📍Tuyong bibig at makating balat.
Dahil gumagamit ang katawan ng tubig sa pag-ihi, kukunti na lang ang moisture sa ibang bahagi ng katawan. Pwede kang maging dehydrated at mararamdaman mong tuyo ang iyong bibig. Ang tuyong balat ay makati din.
📍Malabong paningin.
Ang pabago-bagong fluid levels sa iyong katawan ay nagdudulot ng pamamaga sa lenses ng mga mata at nawawalan ito ng focus.
📍Infection sa Yeast.
Parehong maaaring makuha ng lalaki at babae ito. Glucose ang kinakain ng yeast kaya ang mga infection ay pwedeng mangyari saan man sa mainit at moist fold na bahagi ng balat tulad ng:
📌Pagitan ng mga daliri sa kamay at paa.
📌Ilalim ng suso.
📌Sa palibot ng ari mismo.
📍Hindi naghihilom na mga sugat.
Sa katagalan, ang high blood sugar ay nakakaapekto sa daloy ng dugo at pwedeng maging dahilan ng nerve damage kaya nahihirapan ang iyong katawan sa paghilom ng sugat.
📍Pagsakit o pamamanhid ng mga paa o binti.
Ito ay resulta din ng nerve damage.
📍Hindi inaasahang pagbaba ng timbang.
Kapag hindi nakakuha ang katawan ng enerhiya sa iyong pagkain, nagsisimula nitong tunawin ang mga muscle at taba para sa enerhiya. Maaaring bababa ang timbang kahit wala kang binabago sa mga kinakain mo.
📍Pagkahilo at pagsusuka.
Kapag ang katawan ay tumutunaw na lang ng taba, gumagawa ito ng "ketones". Delikado itong mamuo sa dugo at nagiging diabetic ketoacidosis na maaring ikamatay. Ang ketones ay nakakaapekto sa iyong tiyan.
Ikaw ba ay may sintomas ng Diabetes?
Mas mabuti na mag pa check up kaagad..
✅Paano ito pagalingin?
-Palakasin ang nanghinang organ na tiantawag na "PANCREAS" (Ang Pancreas ay ang ating organ na nagbibigay ng natural na insulin para i-regulate ang blood sugar sa ating katawan)
-Iwasan ang mga bawal sa may diabetes gaya ng isda na walang kaliskis, white sugar, sweets, processed foods, soft drinks and all artificially flavored/sweetened drinks and etc.
-Mag change ng lifestyle into healthy living at itama ang mga maling nagawa sa katawan at mahalin ang sarili
-At higit sa lahat ay ang pagbabalik loob sa ating Panginoon😇
Para po sa 45 Days Nutritional Guidelines/Program for Diabetes by Doc Atoie Arboleda mag message lang po kayo dito sa aming page