01/08/2023
MUST READ:
Kung sakaling kukunin na ng Dios ang buhay mo ngayon, may naiisip ka bang dahilan para ka Niya iligtas? Naging mabuting anak ka ba sa mga magulang mo o lapastangan ka? Naging mabuting asawa ka ba sa asawa mo o dinadaya mo siya kapag hindi mo siya kasama? Naging mabuting magulang ka ba sa mga anak mo o pabayang ama o ina ka sa kanila? Naging mabuting kaibigan ka ba o mabait ka lang kapag kaharap sila, magiliw sa kanila kapag may napapakinabang ka? Naging mabuting estudyante ka ba, matalino sa klase pero salbahe sa mga kaeskwela? Naranasan mo bang magbigay ng pagkain sa mga nagugutom, nagpainom sa mga nauuhaw? Dumalaw ka ba sa may sakit at nakakulong sa bilangguan? Naawa ka ba sa mga matatanda na wala ng lumilingap, may ginawa ka bang mabuti sa kanila kung naawa ka? May nagawa ka bang mabuti sa edad mong yan kung sakaling bawiin ng Dios ang buhay mo ngayon? O sa maghapon, sa araw-araw ng buhay mo, ang alam mo lang ay ang kumain at uminom? Nagtapos ng pag-aaral, nagtrabaho, pag-uwi ng bahay manonood ng tv o uupo sa harap ng computer o di kaya naman ay haharapin ang cellphone at mag-iinternet hanggang sa makatulog? Ginugol mo ba ng may kabuluhan ang buhay na ipinahiram ng Dios sa 'yo? Tanungin mo ang sarili mo, kung dapat ka ba Niyang iligtas.
BIGYAN NATIN NG DAHILAN ANG DIOS PARA ILIGTAS NIYA TAYO.
- Bro. Eli Soriano
©