11/01/2021
Magandang araw po! Paumanhin po kung hindi po kami nakakasagot sa mga PM ninyo dahil hanggang ngayon po ay sira ang computer sa health center kaya po nawalan kami ng access para dito sa page. Ang gumagana lamang po na computer ay yung para sa TELEMEDICINE. Para sa mga health concerns, maaaring magpaschedule ng telemedicine sa 0919-5586190. Hindi po masasagot ang mga text messages kaya tawag lamang po.
Maaari pa rin pong humingi ng maintenance na mga gamot sa health center. KAILANGAN PO NG PINAKABAGONG RESETA. Mayroon po tayo ng mga sumusunod:
AMLODIPINE 5mg
LOSARTAN 50mg
SIMVASTATIN 20mg
METFORMIN 500mg
ATORVASTATIN 10mg and 20mg
Mayroon din po ng mga sumusunod:
CEFTRIAXONE INJECTION
NYSTATIN
MEFENAMIC ACID
PARACETAMOL
CLOXACILLIN
SALBUTAMOL SYRUP
ALBENDAZOLE
Para po sa mga nangangailangan ng iba pang gamot at ilang antibiotic, maaari rin pong makahingi dito sa health center ipakita lamang po ang reseta.
Para po sa mga diabetic na kailangan ng insulin, maaari pong tumawag sa 0919-5586190 at itanong kung meron ng inyong ginagamit na insulin. Kailangan lamang din ng pinakabagong reseta para makahingi ng insulin.
Para po sa iba pang katanungan, maaaring TUMAWAG sa KNLHC Hotline 0919-5586190. TAWAG LAMANG PO. HINDI PO MASASAGOT ANG TEXT MESSAGES.
Hinihiling po namin ang kaunting pasensya sa inyo kung medyo busy rin po ang linya. Gagawin po namin lahat ng aming makakaya para matugunan ang inyong mga katanungan at problemang medical.
Maraming Salamat Po!