18/05/2022
Ipinagdiriwang ngayong araw, ika-19 na araw ng Mayo, ang tinatawag na WORLD FAMILY DOCTOR DAY para kilalanin ang papel na ginagampanan at kontribusyon ng mga "Family Doctors" at "Primary Care Teams" sa sistemang pangkalusugan sa buong mundo.
Ang pagdiriwang na ito ay magandang pagkakataon para kilalanin ang mahalagang bahaging ginagampanan ng mga "Family Doctors" sa paghahatid ng personal, komprehensibo at tuloy-tuloy na serbisong pagkalusugan sa kanilang mga pasyente. Ang araw na ito ay nagbibigay oportunidad din para ipagdiwang ang mga nagawang pagsulong sa larangan ng Family Medicine at ang mga mahahalagang ambag ng mga "Primary Care Teams" sa pagpapabuti ng pandaigdigang kalusugan.
Ang tema ngayong taon ng WFDD ay "Family Doctors, Always There to Care!"
*From https://bit.ly/WFDD2022HomePage