Health is Wealth by JPD

Health is Wealth by JPD "Health is wealth",
"The greatest wealth is Health",
"The True wealth is having your health and knowledge of self".

30/11/2025
SAGING: Ang Pinaka-healthy na Prutas sa Buong MundoPayo ni Doc Willie OngMay kasabihan na “An apple a day keeps the doct...
07/11/2025

SAGING: Ang Pinaka-healthy na Prutas sa Buong Mundo
Payo ni Doc Willie Ong

May kasabihan na “An apple a day keeps the doctor away.” Mali po iyan. Ang bago ngayon ay “Two bananas a day keep the doctor away.” Marami nang pagsusuri ang nagsasabi na ang saging ay sobrang healthy at napakabuti sa katawan.
Heto ang mga nilalaman ng isang saging na 100 grams: Calories: 88 calories, Vitamin A: 430 I.U., Vitamin B: Thiamine .04 mg., Vitamin C: 10 mg., Calcium: 8 mg., Iron: 6 mg., Phosphorus: 28 mg., Potassium: 260 mg., Carbohydrates: 23 grams, at Protein: 1.2 mg.
Sobrang Dami ang Benepisyo ng Saging (Lakatan, Latundan o Saba):
1. Tiyan – Napakaganda ng saging para sa mga may ulcer at nangangasim na sikmura. Ang saging ay may sariling antacid na tinatawag na phospholid. May flavonoid din ang saging na parang tinatapalan ang mga sugat sa ating tiyan.
2. Puso – Mabuti ang saging sa puso dahil mataas ito sa potassium at bitamina. Lalu na kung umiinom ka ng mga gamot sa puso at altapresyon, dagdagan mo na rin ng 2 saging bawat araw.
3. Parang Multivitamin - Kung susuriin mo, parang multivitamin na ang saging dahil may vitamin A, B, C, Calcium, Iron, at Potassium ito. Kapag kumain ka ng 2 saging bawat araw, you can Have It All like Edu Manzano and Feel Complete like Piolo Pascual. Tipid pa!
4. Mabuti sa Colon - Dahil mataas sa fiber ang saging, puwede itong panlaban sa colon cancer at iba pang sakit ng bituka natin.
5. Good for exercise – Sa mga mahilig mag-ehersisyo at mag-Gym, kailangan mo ng saging para hindi bumaba ang iyong potassium. Magbaon ng 2 saging sa bag lagi, tulad ko.
6. Para sa stress at pang-relax – Alam ba niyo na ang saging ay may tryptophan? Ito’y isang kemikal na nagpapasaya sa atin at nagpapaganda ng ating emosyon. Kaya kung depressed ka dahil iniwan ka ng iyong girlfriend, huwag nang lumuha, mag-saging ka na.
7. Pang-baon talaga – Kaibigan, kaya mo bang magbaon ng abokado o mangga sa bag? Hirap kainin hindi ba? Pero ang saging ay napakaganda ng lalagyan. Talagang ginawa ng Diyos para kainin.
8. Baka makabawas ng Leukemia at Hika sa Bata – May pagsusuri na nagsasabi na kapag ang bata o sanggol ay lagi mong papakainin ng saging, mas hindi sila hihikain, at hindi rin sila magkakaroon ng leukemia. Hindi pa ito tiyak, pero marami ang naniniwala nito.

Ctto Doc Wilie Ong

May pera pang dialysis pero walang pera pang bili ng buko juice sa umaga at hapon para malinis ang bato 🫩🫩🫩
29/10/2025

May pera pang dialysis pero walang pera pang bili ng buko juice sa umaga at hapon para malinis ang bato 🫩🫩🫩

Benifits of OKRA
19/10/2025

Benifits of OKRA

LAGING NASA HULI ANG PAGSISISIAno Ang Uric Acid At Sanhi Ng Pagtaas Nito? Ang uric acid ay isang uri ng kemikal na nabuo...
19/10/2025

LAGING NASA HULI ANG PAGSISISI

Ano Ang Uric Acid At Sanhi Ng Pagtaas Nito?

Ang uric acid ay isang uri ng kemikal na nabuo sa katawan na maaaring nagmula sa mga pagkaing mayayaman sa "purine" gaya ng atay, lamang-loob, pulang karne, sardines, mackerel, at iba pa.

Nagkakaroon din ng mataas na uric acid level ang isang tao kapag palainom ng alak o kaya naman ay may kondisyon gaya ng gout/arthritis, diabetes, obesity, at problema sa bato o kidneys.

Kailangang mailabas ang uric acid sa katawan sapagkat ito ay isang waste product - kemikal na di kailangan ng katawan.

Nailalabas ang uric acid sa pamamagitan ng pag-ihi at pagdumi para maregulate ang normal na level nito na naglalaro sa pagitan ng 2.5 - 7.5 mg/dL para sa babae at 4.0 - 8.5 mg/dL para sa lalaki.

Kapag hindi nailabas ang uric acid sa katawan, mananatili ito sa daluyan ng dugo, kaya naman kapag nagpa-uric acid blood test o urine test ka, mataas ang uric acid level mo.

Ano Ang Gamot Sa Uric Acid?

1. Mag-Diet

Kapag ikaw ay sobra sa timbang, malamang ay mataas ang iyong uric acid level.

Bawas-bawasan ang kain at huwag kumain masyado ng pagkaing mayaman sa purine gaya ng:

atay
lamang-loob
pulang karne
isdang mayaman sa omega 3 (sardines, tuna, mackerel)
sitaw (o kapamilya nito)
munggo
dilis
bagoong
tahong (o anumang shelled-foods)

Pwede ang lahat ng uri ng gulay maliban sa mga nabanggit. Kung kakain ng karne, huwag lagi yung mapupulang karne gaya ng baka, baboy, kabayo, kambing, at iba pa. Pwedeng kumain ng karne ng manok.

2. Uminom Ng Maraming Tubig

Imbis na 8 baso sa isang araw, uminom ng 10-12 baso ng tubig. Makakatulong ang pag-inom ng mas maraming tubig para ma-flush ang mataas na uric acid level sa katawan.

3. Bawal Ang Alak

Huwag uminom ng alak kung gusto mong bumaba ang iyong uric acid level.

4. Kumain Ng Mga Maaasim Na Prutas

Ang maaasim na prutas ay mayaman sa vitamin C na tumutulong para ma-flush ang sobrang uric acid sa katawan.

Pinakamainam kumain ng mansanas, dalandan, orange, lemon, bayabas, o kaya kamatis man lang.

5. Uminom Ng Apple Cider Vinegar

Ihalo ang 3 kutsarita ng apple cider vinegar sa isang basong tubig. Inumin ito 2-3x araw-araw.

6. Uminom Ng Vegetable Juice

Gaya ng carrot juice o pipino juice. Pwedeng uminom nito araw-araw.

7. Uminom Ng Niresetang Gamot Ng Doktor

8. Uminom ng Turmeric Juice

Address

Quezon City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Health is Wealth by JPD posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram