Father in Heaven

Father in Heaven Rozalia

Magandang kaliwanagan !
09/07/2022

Magandang kaliwanagan !

PROPETA MOHAMMAD Agosto 28, 2021Magandang kaliwanagan. Isang katahimikan, isang katahimikan. Ako ay pumarito na, pumarit...
06/07/2022

PROPETA MOHAMMAD Agosto 28, 2021
Magandang kaliwanagan. Isang katahimikan, isang katahimikan. Ako ay pumarito na, pumarito na ang inyong Propeta Mohammad. Maraming katanungan na aking nababatid na nais
ninyong malaman. Ang “salamaykum ishala” ay sa inyong salita lamang yaan kapatid at ang iba pang
inyong tinuturan na salita ay sa inyong salita lamang sapagkat ako’y pumaroon sa inyo ngunit bakit?
Bakit ako ang inyong sinamba, hindi ang ating Ama sa Kalangitan? Ako ay nalulumbay, nalulumbay. Isa
pang gawa ang iyong nagawa, hindi ba? Isa pa na muli na gawa, siyang tunay. At ito rin ay sinasamba, “moske” sa inyong katawagan. Bakit? Bakit? Bakit?
Ako na ay isang Propeta lamang kapatid. Hindi na, hindi na naging Espeniya na nakatataas. Iyong ituran ang ating Ama sa Kalangitan na siyang nakatataas sa lahat, hindi ako. Ako’y pumaroon at
madala ang Liwanag upang ako’y ipababa ngunit ako na, ako na ang inyong sinamba, ang inyong mga
ninuno na siyang nakasilay sa akin ngunit yaon lamang ay iisa pagkat ang daan na siyang nakasilay sa
akin, siyang tunay ngunit wala sa Kalangitan. Ang iyong ginawa? Iisa lamang ang bahay-dalanginan, ang pinapanaogan namin kapatid. Iisang bahay-dalanginan ngunit ito’y puti ang iyong pinagawa at
napakaganda ng yari at iyong pinaglaanan. Kapatid nais ko sa iyong ituran na huwag hahalik sa lupa, huwag na huwag hahalik sa lupa. Ito’y malapit na, malapit na sapagkat dagsang biyaya ang
ipagkakaloob sa iyo ngunit lingid sa iyong kaalaman kapatid kami lamang ay nakamasid kayat ako’y
pumarito upang ikaw ay bigyan, bigyan. Ikaw lamang ay aking sinisilay, sinisilay ang iyong puso’y
magiging ginto. Napakarami, napakarami inyo ring natulungan, natulungan. Ako lamang ay nakamasid
upang kayo ay hayaan sa Kaliwanagan, kaliwanagan. Batid ko ang inyong ginagawa ay tama, tama
ngunit mali ang inyong tinuturan. Kayo na ay naparito sa Liwanag at muling magbabalik-loob. Kayo na’y
nakatala, nakatala sa libro. Ako’y naparito at aking nasaksihan iyo nang ituran ang ating Ama sa
Kalangitan, bibigyang basbas ang iyong gawa. Ako’y paroroon, paroroon siyang tunay at nalalapit na. Nawa ang aking turan ay inyong pakatatandaan. Maraming salamat sa inyong mabubuting palad. Maraming salamat.

June 4, 2022 KAUTUSAN ng AMANG LIWANAG SA KALANGITANAng siyang magbabalik-loob at ang nagmamahal ng walang kapantay ay p...
05/07/2022

June 4, 2022 KAUTUSAN ng AMANG LIWANAG SA KALANGITAN
Ang siyang magbabalik-loob at ang nagmamahal ng walang kapantay ay pagpapalain ko, tumawag sa tunay kung ngalan ay pagpapalain at Liwanag ang siyang paparoon.
Aking Anak, nang ikaw ay aking itinanim sa sinapupunan ng iyong Ina ang matalinong kaisipan ay itinanim ko na rin sa iyong katauhan upang habang ikaw ay lumalaki lumalago din ang iyong katalinuhan, nababatid ang tama at ang mali.
Ipinababa ko ang Sampung kautusan ngunit hindi lamang yaon, napakarami, napakaraming mga kautusan na hindi dapat ginagawa ng isang mortal.
Ang katalinuhan, ang bawat isa ay may kaniya-kaniyang pintuan, Ano yaon? Iyon ay ang kabutihan at ang kasamaan, makikita mo sa iyong kapwa nag-iiba ang ugali ng isang mortal BAKIT HINDI NA LAMANG ANG KABUTIHAN ANG PAGBUBUKSAN AT ISASARADO ANG KASAMAAN?
Ang aking ituturan ay siyang pakikinggan.
HUWAG KANG KUMITIL NG BUHAY NG IYONG KAPWA SAPAGKAT ANG TUNAY NA LUMIKHA LAMANG ANG SIYANG MAKAKABAWI SA KANIYANG PINAHIRAM,
HUWAG MONG AANGKININ ANG HINDI PARA SAYO,
HUWAG MONG BULAGIN ANG MATA AT ANG MATALINO MONG KAISIPAN,
HUWAG KANG MAGSINUNGALING,
HUWAG MONG AAPAKAN ANG SIYANG MAS MABABA SA IYO,
MAGMAMAHALAN ANG BAWAT ISA.
Maraming salamat.

Isang magandang kaliwanagan po at mapag palang araw mga kapatid. Amang nasa langit  maraming salamat po sa panibagong ar...
05/07/2022

Isang magandang kaliwanagan po at mapag palang araw mga kapatid.
Amang nasa langit maraming salamat po sa panibagong araw at umagang ito Ako po ay nagpupuri at nagpupugay sainyo Amang Liwanag sa kalangitan Amang Jesus sa kalagitan Ipagkakatiwala po namin sainyo ang lahat sa buong mag hapon pagharian nio po ang aming mga puso Amang Jesus sa langit linisin nyo po nawa ang daraanan namin tunawin nio po nawa ang itim saaming kaisipan patawarin nio po maraming salamat po sa mga pagkain at inumin at ititnataas q po sainyo amang Liwanag sa kalangitan inyo po nawang linisin tunawin at sakit na siyang maidudulot neto at tunawin ang itim kalakasan at kagalingan nawa s maghapon ang ipagkaloob nyo po saamin. ingatan nyo po nawa ang aming mga magulang,kaibigan,at mga kapatid nasa malalayong lugar balotin nawa po ako ng kabal ng kaliwanagan mula ulo hanggang talampakan .mulit muli po maraming salamat Amang Liwanag sa kalangitan Amang Jesus sa kalangitan at sa lahat ng mga banal na anghel sa kalangitan.

AMANG JESUS SA LANGIT 💛💛💛Magandang kaliwanagan sa inyong lahat. Lubos na paggalang sa inyong lahat, isang mensahe mula s...
30/06/2022

AMANG JESUS SA LANGIT 💛💛💛

Magandang kaliwanagan sa inyong lahat. Lubos na paggalang sa inyong lahat, isang mensahe mula sa ating Ama sa Langit, tunay nating tagapagligtas, na may gawa ng Langit at lupa.
Anak, anak, anak, ang nakatakda ay nakatakda, ang nakasulat sa pahina ay hindi kailanman mabubura, ang katotohanan ay lalabas at lalabas, siyang tunay. Isa, nais kong iparating at ipaalam sa inyong lahat at higit saiyo, Isa, isa ka sa parte ng ating Ama na nasa Langit.
Binigyang buhay, binigyang buhay upang magampanan ang isang tungkulin na hindi maaangkin nang kahit sino pa man.Ang kaliwanagan ay napapaloob sa iyong katauhan, magagampanan ang isang tungkulin sa paniniwala mo at pananampalataya, panindigan mabubuo ang lahat at liwanag ,lilitaw ang kabuuan at kaliwanagan pagkat isa ka sa pinakamahalaga sa Ama sa Langit. Ang bawat isa ay may kahalagahan.
Pakatandaan kayo'y pinahiram lamang ng buhay sa mundong ibabaw na inyong ginagalawan ngunit ang bawat isa ay may yaman. Maraming salamat sa inyong lahat. Maraming salamat. Darating ang takdang oras at malalaman kung ano at sino kayong lahat.
Maraming salamat kami'y nagpupuri at nagpupugay sa inyong lahat, Paalam mga anak.Paalam.

Address

Father In Heaven
Quezon City
1121

Telephone

+639123456789

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Father in Heaven posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Father in Heaven:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram