18/11/2025
LIBRENG OPERASYON. Magandang balita para sa ating mga pasyente, ang University of Santo Tomas Hospital, Section of Urology ay nagsasagawa ng mga libreng operasyon para sa ating mga charity patient. Ang sakit tulad ng Kidney cancer (kanser sa bato) ay maaaring magamot sa pamamagitan ng operasyon kung ito ay localized disease at hindi pa kumakalat sa ibang parte ng katawan. Binubuo ang team ng mga ekspertong urology consultant, fellow at residente na layunin na maibigay ang pinakamahusay na pangangalaga sa ating mga pasyente.
LIBRENG KONSULTA. Maari kayong mag message sa aming page o sa contact numbers na aming nilista para sa mga katanungan tungkol sa libreng operasyon o kung may nais kayong ipakonsulta sa Urology.
#