12/12/2022
π‘ Healthy Tips π‘
A Guide To 7 Natural Doctors
[Part 6]
VI. DR. DIET π₯
- Alam mo ba na ang ating kinakain ay may malaking epekto rin pagdating sa kalusugan dahil isa ito sa pinagkukuhanan ng sustansya na kailangan ng ating katawan.
- Mahalaga ring maintindihan natin na ang ating kinakain ay siyang isa sa pangunahing dahilan kung tayo ba ay merong malusog na pangangatawan.
- Ang pagkakaroon ng malusog na pangangatawan ay dulot rin ng mayroong healthy diet.
π§Ano ba ang benepisyo ng pagkain nang tama?
- You can live longer. Dahil ang ating katawan ay nangangailangan ng sapat na nutrients, ang pagkain nang tama at masusustansyang pagkain ang nagbibigay nito.
- Lalakas ang iyong immune system. Kapag malakas ang resistensya natin sa katawan, tiyak ay hindi tayo basta-basta dadapuan o mahahawaan nang sakit.
- Improves your physical and mental health. Hindi lang pisikal na katawan natin ang makikinabang kung tayo ay mayroong healthy diet, pati na rin ang ating mental health dahil tulad ng ating katawan, ang ating utak rin ay nangangailangan ng sapat na nutrients upang ito ay manatiling healthy at maayos.
β
Another Tips for Dr. Diet
- Bawasan ang anumang commercialized drinks tulad ng softdrinks, energy drinks o kahit anong inumin na may mataas na sugar level dahil ito ay may masamang epekto sa ating katawan.
- Kumain nang masustansiyang pagkain tulad ng green and leafy vegetables, fruits at gawin itong habit. Syempre, bawasan rin natin ang pagkain ng junk foods, mga processed foods dahil ito ay may masamang epekto sa ating katawan.
- Kung nakasanayan mo nang kumain nang may inuming softdrinks, o kaya naman ay mga junk foods or processed foods, asahan mo na kakaunti lamang ang sustansya na nakukuha mo sa mga pagkain na ito na siyang dahilan kung bakit humihina ang ating pangangatawan kaya upang maiwasan ito, simulan mo nang kumain ng masusustansyang pagkain at syempre sabayan mo na rin ito ng exercise. Sabi nga sa kasabihan, "WHAT YOU PUT INTO YOUR MOUTH WILL DEFINE YOUR HEALTH TOMORROW"...
Nawa'y may natutunan ka sa healthy tips na ito at mai-apply mo rin upang sama-sama tayong maging healthy and sick-free.
Gusto mo bang malaman ang iba pang tips patungkol sa kalusugan? I-click lamang ang SEND MESSAGE button sa ibaba para matulungan kitaπ
"Stay Healthy And To God Be All The Glory"