10/11/2025
Magandang araw po,
Nais po naming ipabatid na ang Departamento ng Psychiatry, Outpatient Department ay patuloy na tumatanggap ng pagkonsulta ng FACE TO FACE / ONSITE. Nais din po naming ipaalam na hindi na po tumatanggap ang QCGH Psychiatry Department ng online na pagkonsulta.
ISINARA NA RIN ANG FB MESSENGER ACCOUNT sa mga papasok na mensahe, ngunit mananatili ang ating page na βDepartment of Psychiatry, QCGHβ kung saan ay magpapaskil pa rin ng mga paalala / patalastas / karagdagang kaalaman.
Upang mabigyan kayo ng schedule para sa inyong FACE TO FACE / ONSITE APPOINTMENT, maaari pong MAGTUNGO SA ROOM 15, DEPARTMENT OF PSYCHIATRY, QUEZON CITY GENERAL HOSPITAL OUTPATIENT DEPARTMENT NG 1PM - 3PM.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at ikinagagalak naming tanggapin kayo sa aming departamento.