11/11/2025
Handog ng Office of The Surgeon General, katuwang ang Philippine Society of Newborn Medicine, ngayong World Prematurity Month, Inaanyayahan ang lahat na makinig sa Health Camp segment sa AFP DWDD 1134kHz AM, o manood sa Facebook, YouTube, at Twitter, sa isa na namang makabuluhang episode na pinamagatang: "Mga Munting Mandirigma”
Samahan kaming talakaying ang maagang panganganak o preterm birth, mga hamon sa NICU, feeding, mental health ng mga magulang, at ang kahalagahan ng suporta, siyensiya, at pag-asa sa bawat laban ng ating mga baby warriors.
Alamin kung paano mabibigyan ng strong start for a brighter future ang ating mga preterm babies — ang ating mga Munting Mandirigma!
Dahil bawat sanggol ay may kakayahang lumaban — at bawat araw ng kanilang buhay ay patunay ng himala at pag-asa.