20/01/2026
‼️Maraming content online ang nagsasabing may “SECRET SIGNS” ng pagiging healthy‼️
Kadalasan, ang mga ito ay normal body functions lang. Hindi sila sapat para sabihing maayos ang kalusugan ng isang tao.
BAKIT NAKAKALITO ANG MGA “SIGNS”⁉️
Ang katawan ay adaptive.
Maraming nangyayari kahit wala kang nararamdamang sintomas.
Puwedeng mukhang “okay” ang katawan sa labas, pero may problema na sa loob.
🔹POOP NA LUMULUBOG
Ito ay naaapektuhan ng fiber, taba, at hangin sa dumi.
Hindi nito direktang sinasabi kung maayos ang digestion o absorption.
🔹FLAT ANG TIYAN SA UMAGA
Walang laman ang tiyan pagkatapos ng tulog.
Mas mababa rin ang pagkain at fluid intake sa gabi.
Kaya natural lang na mas flat ito paggising.
🔹AMOY NG KILIKILI
Normal ang body odor.
Iba iba ito depende sa bacteria, hormones, diet, at genetics.
Hindi ito sukatan ng health.
🔹DUMUDUGO KAPAG NAG FLOFLOSS
Ito ay madalas senyales ng inflamed gums.
Healthy gums ay hindi madaling magdugo.
🔹COLD TOLERANCE
Ang kakayahang tiisin ang lamig ay iba iba.
Naaapektuhan ito ng body fat, muscle, thyroid, at exposure.
Hindi ito direktang sukatan ng metabolic health.
🔹KUMUKULO ANG TIYAN
Ito ay normal na galaw ng bituka.
Nangyayari ito kahit healthy o hindi ang tao.
🔹KULAY NG IHI
Light yellow ay kadalasang senyales ng sapat na hydration.
Sobrang clear ay puwedeng senyales ng overhydration.
✅ ANG MAS MAHALAGA
Ang tunay na kalusugan ay hindi nasusukat sa isang senyales lang.
Mas mahalaga ang:
• Pattern sa paglipas ng panahon
• Energy levels
• Tulog at recovery
• Blood pressure, sugar, at labs
• Araw araw na habits
Ang katawan ay nagbibigay ng hints.
Pero ang tunay na sagot ay nasa consistency at lifestyle.
Educational only. Not medical advice.
&Wellness