11/04/2021
"Maging magaling na doktor!"
Nung sinabi ko yun, sinabi ko lang kasi itong mga 'to yung susunod na henerasyon ng mga manggagamot sa Pilipinas tapos ito yung natanggap kong reply galing sa isang Clinical Clerk.
Feeling ko kasi kung ako rin yung Clinical Clerk o JI ngayon, baka nadidiscourage ako na "Doktor ako pero bakit nasa harap lang ako ng computer?" Sa tingin ko pati yung mga nasa ibang colleges naiisip nila na "Nag-nunurse ako pero online IV lang alam kong gawin", "Nag-memedtech ako pero di ko sure kung alam ko magready ng slides for GS" Feeling ko lahat halos ng estudyante ngayon malaking parte sa kanila yung nadodown dahil feeling nila di sila sapat dahil pinagdadamutan ng pagkakataon yung "experience" na dapat nararanasan nila sa ospital.
Hindi naman ninyo pinili na sa panahong nag-aaral kayo sa Medisina, Nursing, Medtech, Radtech o kung anong field yan ay tumapat na magkapandemya. Sino bang may gusto nun? Sino bang makakaplano nun? Syempre wala.
Kaya ganito na lang. Ito yung natutunan ko sa mahigit 29 years kong nabubuhay na sa mundo -- dapat lagi kang WALANG pakielam sa sasabihin ng mga di importanteng tao. Ibig kong sabihin, alam mo lang kung kaninong mga salita ang importante, bukod sa sarili mo, dun lang sa mga taong alam mong hindi sisirain yung pangarap mo na pinagtatrabahuan mong matutunan ngayon. Ang dami ko ring narinig sa buhay ko pero sa utak ko "Ay nako! wala akong pake" kapag di naman helpful sa pangarap ko at sa journey ko nung nagdodoctor ako yung sasabihin nung taong yun. Pinipili ko lang yung mga salita na papakinggan ko at papaniwalaan - ito yung mga salitang susuporta sa akin at maniniwala na kakayanin ko.
Isipin mo you've worked so hard (pati pamilya mo) para maging Doktor ka (Nurse, Medtech, Radtech o kung ano yang pangarap mo) Proseso ito ng pagiging doktor mo pero di ibig sabihin "less deserving" ka sa title na yun. Di ibig sabihin na porke nakaupo ka dyan sa harap ng computer mo, di ka na pwedeng maging totoong doktor kasi yang pinagtatrabahuan mo, yang binibigyan mo ng oras, yang patago mong iniiyakan kasi hirap ka na pero lumalaban ka pa rin, yang kahit na gusto mong ihagis yung handouts mo o iPad mo na maraming lectures pero biglang di mo gagawin kasi binabasa mo pa naman at tinatapos yung mga kailangan mong alamin, yang panahon na imbes nag-Titiktok ka na at nagtetwerk dun e ang inaatupag mo magtwerk sa silya mo plus iba't ibang position para lang matapos mo yang para sa exams mo, yang ilang gallon ng kape para di ka makatulog, yang ilang pikit at sabay luha at dasal ng "Help me, Lord" at lahat ng iba pang patagong ginagawa mo, patunay yan na kahit anong tingin sayo ng iba, pinagtatrabahuan mong maigi para madeserve mo yung pangarap mo.
Darating yung time nyo na kayo naman yung magpapakitang gilas sa ospital para tumulong, para magbigay ng pag-asa sa iba pero sa ngayon, kunin mo lahat ng pwedeng matutunan sa experience na meron kayo, online man yan.
Ang mahalaga hindi yung tingin ng sisira sa pangarap mo kundi yung mga taong magtitiwala na kaya nyo yan, pati sarili mo.
Isa 'to sa paborito ko na hindi mahalaga kung sino ang proud sayo, dapat proud ka rin sa sarili mo. Ibig sabihin nun, kaya minsan maliit yung tingin natin kasi napalaki tayo sa bansa na gusto natin ng approval ng ibang tao pero sana, bukod sa ibang tao, mas mahalaga na ikaw mismo, kung alam mong binibigay mo ang best mo o sumusubok man lang, di kailangang sabihin ng iba na "ang galing mo" dapat matutunan mo na sabihin sa sarili mong "sinubukan mo kaya magaling ka, self."
Magaling ka, di lang sa online. Yan lang ang paraan ng pagkatuto nyo ngayon dahil pandemic pero di ibig sabihin nun na di ka na magaling.
Sapat ka, di lang sa online. Kahit nakakarinig ka sa ibang tao na online lang yan kaya kulang kayo ng experience, tandaan mo na kakaiba man ang experience mo, sapat pa rin yun. Laging sapat ang meron ka ngayon.
Doctor ka, di lang sa online. Kaya lahat ng kailangan mong alamin, abusunin mo yung panahon na meron ka para alamin kasi kapag ibibigay na sayo ang pagkakataong kumendeng sa ospital, ikendeng mo rin ng todo.
Magaling ka.
Sapat ka.
Doctor ka pa rin.
Laging worth it lahat ng ito sa dulo, mga dok✨