15/10/2025
SCHOOLS IN KAMUNING! WALKOUT NA!
Huwag matakot lumiban sa klase! Matakot lumiban sa paglikha ng kasaysayan!
Sa sugapang pamumuno ng mga nakaupo, tayong mga nasa ibaba ang nalulunod. Bilyon-bilyong piso ang sa ati'y ninanakaw na siyang nagpapahirap sa ating buhay; mga pangakong pag-angat 'di kailanma'y nakamit. Ngayon, tayong kabataan ay nararapat tumindig at magsalita laban sa panunupil ng nakatataas. Sa paparating na Biyernes, maninindigan tayong CIITizens at kapwa estudyante hinggil sa ating panawagang hustisya para sa mga nawalang buhay sa Mendiola, sa baha, korapsyon, at kahirapan. Nawa'y intindihin ng kaguruan at administrasyon ang maikli ngunit importanteng pakikibaka ng kabataan patungo sa pagbabago.
Sa Ika-17 ng Oktubre, Biyernes, gaganapin ang Walkout Laban sa Korapsyon bilang National Day of Action Against Corruption.
📍CIIT Interweave Building nang 7:30AM
Maaari kayong lumahok sa pamamagitan ng pag-scan sa QR code sa ibaba o i-click ang link na ito.
https://m.me/j/AbYBPWDcc6YYKcWH/
Muli, masigla namin kayong hinihikayat na sumali sa Biyernes, Ika-17 ng Oktubre, at mag walkout laban sa korapsyon. Iparinig ang ating himig at galit - ipakita ang dami at lakas ng kabataan. Pagod na kami, hindi na mananahimik.
Tuloy ang walkout! Makibaka, huwag matakot!