Doc Raisa Hugo-Agregado Ob-Gyn

Doc Raisa Hugo-Agregado Ob-Gyn Beware of posers! Please note that my page does not have ‘CLINIC’ at the end of its name. This is my official page.

I am a board certified Ob-Gyn who will provide services to your maternal and women’s Health.

More of my september babies ✌️ Another successful Vaginal delivery! And to be fair kay mommy V ay napakataas ng pain tol...
16/10/2025

More of my september babies ✌️
Another successful Vaginal delivery! And to be fair kay mommy V ay napakataas ng pain tolerance. Only asked for anesthesia when baby was crowing na kaya we had saddle block, dahil sabi nya standby lang ang epidural.
From OPD to Labor Room real quick, because of elevated BP of 160/100, fortunately we were able to control it and proceeded to trial of labor..
and after almost 18 hrs, baby was delivered healthy via vaginal delivery. 🙂
Sabi ko kay patient, tsagain ko basta need nya mag focus at okay si baby kasi gustong gusto nya mag NSD. 🙂
Welcome to Motherhood Mommy V and welcome to your baby girl! 💕

NSD under saddle block
2685 gms
Preeclampsia with severe features

Thanks to my Team!
Pediatrician: Dr. Mheldy Calavera
Anesthesiologist: Dr. Alexander Yip
MHMC DR staff!

♥️

MHMC’s roster of HMO’s.
14/10/2025

MHMC’s roster of HMO’s.

Para maiba naman, ganitong angle ang post natin. Because this couple ay isa sa nga hindi ko mkakalimutan. 🥰From early pr...
13/10/2025

Para maiba naman, ganitong angle ang post natin.
Because this couple ay isa sa nga hindi ko mkakalimutan. 🥰
From early pregnancy, kung meron perfect patient ay si mommy J na, kahit madaming co morbids ay naging masunurin sila ni daddy.
Masasabi ko na, inendure talaga ni mommy lahat para lang makapagnormal unfortunately, umabot lang kami to 6 cm (extended to 6 hrs to give more chance) plus baby had variable decelerations but resuscitated. Na Cs man ay ang importante, mommy and baby are both safe. 🙂
Thank you for being so loyal and giving me your utmost trust, thank you also for the nicest words Mommy and Daddy!

G2P1(1011) LTCS for Arrest in cervical dilation secondary to posterior Acynclitism, Ruptured BOW for 12hrs
3035 gms
Non Toxic Nodular Goiter, Clinically Euthyroid on Levothyroxine
Gestational Diabetes Mellitus-Diet Controlled

Thank you to my team:
Pediatrician: Dr. Mheldy Calavera
Anesthesiologist: Dr. Alexander Yip
Endocrinologist: Dr. Edrome Hernandez
MHMC DR-OR staff

♥️

Hear ye.
10/10/2025

Hear ye.

Have your HPV vaccine now.
09/10/2025

Have your HPV vaccine now.

The vaccine is highly effective.

It can prevent 9 in 10 cases of the most high-risk strains of human papillomavirus (HPV) – the #1 cause of cervical cancer.

Sorry ulit at nadelay ang mga posts ✌️ Congrats sa aking patient at naachieve ang vaginal delivery kahit na ng early rup...
08/10/2025

Sorry ulit at nadelay ang mga posts ✌️

Congrats sa aking patient at naachieve ang vaginal delivery kahit na ng early rupture ang bag of water 🙂 takot na takot sya kasi baka daw di sya marunong umire, pero so far, veryo good naman sya. Kaya welcome Baby Hevn ♥️♥️♥️

NSD with RMLE under Anesthesia
G1P1(1001)
Gestational Diabetes Mellitus-Diet Controlled
2485 grams
Ruptured BOW for 18 hrs

Thanks to my Team!
Pediatrician: Dr. Mheldy Calavera
Anesthesiologist: Dr. Alexander Yip
MHMC DR staff!

♥️

03/10/2025

So bakit nga namamanas after manganak?

Eto ang explanation..
Ang normal na tubig sa katawan ay dapat nasa tamang compartment: 1. sa loob ng ugat (dugo), 2. sa loob ng mga cells, at 3. kaunting nasa labas ng cells (interstitial fluid).
Kapag may 3rd space loss, ibig sabihin yung tubig na dapat nasa loob ng ugat ay lumalabas at naiipon sa maling lugar (parang na-trap sa labas ng daluyan ng dugo, gaya ng sa tiyan o sa tissues).
Dahil dito Bumababa ang volume sa dugo, kaya parang “nawawalan ng tubig” ang circulation, then kasabay nito, lumolobo o namamaga ang ibang parte ng katawan (edemA)/manas, kasi doon naiipon ang tubig.

Sa postpartum, puwedeng mangyari ito dahil sa stress ng panganganak, pagdurugo, impeksyon, o biglang pagbabago ng hormones. Kaya may mga nanay na namamaga ang paa, kamay, o mukha kahit parang kulang ang tubig o dugo sa loob ng ugat.

Eto ay nawawala sa pamamagitan ng pag ihi at pag pawis, at may mga steps na makakatulong tulad ng ambulation (paglalakad at paggalaw), elevation ng paa lalo na kung prominent sa binti ang manas, adequate hydration, contradicting man, pero kailangan ng TAMANG dami ng tubig para mapabilis ang diuresis at maiwasan ang dehydration, balanced diet, bawasan ang sobrang maalat na pagkain para hindi ma-retain ang fluid, compression stockings kung sobrang uncomfortable at imonitor ang blood pressure at ihi output lalo na if may history ng pagtaas ng BP habang ngbbuntis.

Pero TANDAAN, kelangan parin i rule out ang ibang bagay tulad ng high blood, sakit sa puso, bato or marami pang iba kaya ALWAYS consult this to your friendly Ob-gyn at wag balewalain. ❤️

♥️

So eto na nga… 🤣Muntik ko nang makalimutan ang isa sa mga inaabangan kong i-share, ang journey ng isang pasyente na sobr...
02/10/2025

So eto na nga… 🤣
Muntik ko nang makalimutan ang isa sa mga inaabangan kong i-share, ang journey ng isang pasyente na sobrang nagbigay ng saya at inspirasyon.

October 2024 ko siya unang nakita dahil sa abnormal uterine bleeding/irregular me**es. Nabanggit niya na gusto niyang magka-baby, pero natutunan na rin daw niyang tanggapin kung sakaling hindi ibigay dahil sa tagal. During work up, nalaman namin na one of her fallopian tubes ay blocked/barado, at endometrial polyp kaya mas lumiit ang chance na magbuntis. Pero sabi ko, dahil may small chance pa ring natitira, sinabi ko sa kanya na may pag-asa pa rin, Basta’t tuloy lang ang laban at huwag susuko.

Nag prescribe ako ng mga supplements at after just 3 months, natanggap ko ang isa sa pinaka-masayang balita… ang kanyang first ever positive pregnancy test! 🥰

Pero hindi naging madali ang naging pagbubuntis niya. May mga times nagkaroon kami ng challenges gaya ng seizures at pagtaas ng kanyang blood sugar.

Sa kabila ng lahat ng pinagdaanan niya, from the low chance of having a baby, abnormal uterine bleeding hanggang sa challenges of seizures in pregnancy, she remained strong in her faith and determination. And now, hawak-hawak na niya ang bunga ng lahat ng kanyang prayers and efforts.

Her journey is a reminder na kahit gaano kasmall ang chance, as long as there’s hope, there’s always a fight. And as her doctor, it’s truly heartwarming to witness this miracle of life. 🥹👶💖

LTCS for maternal Indication, impending seizure
Gestation Diabetes Mellitus-Diet controlled
Seizure disorder-on Leviteracetam
Proximal Blockage Right Fallopian Tube
Endometrial Polyp
3050 gms AGA

Thanks to mg team:
Pediatrician: Dr. Mheldy Calavera
Anesth: Dr. Alexander Yip
MHMC DR-OR staff

Happy 1 month Baby Liesha ♥️
♥️

Malabon Hospital and Medical Center
29/09/2025

Malabon Hospital and Medical Center

Hindi mo na kailangang lumayo para sa maayos at de-kalidad na serbisyong medikal!
Dito sa 𝘔𝘢𝘭𝘢𝘣𝘰𝘯 𝘏𝘰𝘴𝘱𝘪𝘵𝘢𝘭 𝘢𝘯𝘥 𝘔𝘦𝘥𝘪𝘤𝘢𝘭 𝘊𝘦𝘯𝘵𝘦𝘳 (𝘔𝘏𝘔𝘊), siguradong alaga ang buong pamilya—mula bata hanggang matanda.

Mula 𝗘𝗺𝗲𝗿𝗴𝗲𝗻𝗰𝘆 𝗥𝗼𝗼𝗺, 𝗗𝗼𝗰𝘁𝗼𝗿'𝘀 𝗖𝗹𝗶𝗻𝗶𝗰, 𝗟𝗮𝗯𝗼𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿𝘆 𝗮𝘁 𝗥𝗮𝗱𝗶𝗼𝗹𝗼𝗴𝘆, 𝗛𝗲𝗺𝗼𝗱𝗶𝗮𝗹𝘆𝘀𝗶𝘀, 𝗦𝘂𝗿𝗴𝗲𝗿𝘆, 𝗮𝘁 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗻𝘀𝗶𝘃𝗲 𝗖𝗮𝗿𝗲—lahat ng ito ay nandito na, malapit sa’yo!
Hindi lang kami basta ospital—kami ang kaagapay mo sa kalusugan.

Ospital na malapit, alaga na solid.
Dahil sa MHMC, siguradong may 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗦𝘄𝗮𝗸 𝗦𝗮'𝘆𝗼!

29/09/2025

NO CLINIC ADVISORY:
NO CLINIC Tomorrow 9/30/25 and on Wednesday 10/1/25

Alam ko inaabangan na ng mga mommies ang post ko. Sorry po at delayed! ✌️ But this mommy, kung meron contest ng modesty ...
28/09/2025

Alam ko inaabangan na ng mga mommies ang post ko. Sorry po at delayed! ✌️

But this mommy, kung meron contest ng modesty at hinhin ay sya na winner. But… pinakita nya sakin na looks can be deceiving at nakayanan nyang ipush ang kanyang baby despite of hinhin 😂
Madaming times na pinagpray talaga namin na sana mag normal sya because of Placenta previa starting 23-30 weeks tapos IUGR art 32-27 weeks, pero siguro malakas si mommy kay Lord at nalagpasan nya eto. Kaya Welcome to Parenthood to Baby Ruru’s Parents! And Welcome Baby Ruru! ♥️

G1P1(1001)
NSD with Saddle Block
2510 gms

Thanks to my Team!
Pediatrician: Dr. Mheldy Calavera
Anesthesia: Dr. Aizel Lim
MHMC DR staff!

♥️

Address

Quezon City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Doc Raisa Hugo-Agregado Ob-Gyn posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Doc Raisa Hugo-Agregado Ob-Gyn:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram

Category