31/03/2026
𝐂𝐥𝐢𝐦𝐚𝐭𝐞 𝐂𝐡𝐚𝐧𝐠𝐞 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐢𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧
𝐂𝐥𝐢𝐦𝐚𝐭𝐞 𝐂𝐡𝐚𝐧𝐠𝐞 𝐓𝐚𝐬𝐤 𝐅𝐨𝐫𝐜𝐞
𝐒𝐜𝐢𝐞𝐧𝐜𝐞 𝐚𝐧𝐝 𝐓𝐞𝐜𝐡𝐧𝐨𝐥𝐨𝐠𝐲 𝐟𝐨𝐫 𝐄𝐧𝐯𝐢𝐫𝐨𝐧𝐦𝐞𝐧𝐭𝐚𝐥 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐞𝐬𝐬
𝐎𝐚𝐭𝐡 𝐓𝐚𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐂𝐞𝐫𝐞𝐦𝐨𝐧𝐲
30 MARSO 2026 – Para sa Bagong Pilipinas, nanumpa ang mga bagong miyembro ng Climate Change Task Force – Science and Technology for Environmental Progress (CCTF-STEP) upang gampanan ang mahalagang tungkulin ng pangangalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng agham at teknolohiya.
Ang Climate Change Task Force (CCTF) ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng Climate Change Commission (CCC). Layunin ng CCC na gawing handa at matatag ang bansa laban sa epekto ng pagbabago ng klima, at isulong ang matalino at makabagong solusyon sa mga suliraning pangkalikasan sa Pilipinas.
Ang panunumpa ng mga bagong miyembro at opisyal ay nagpapakita ng suporta ng BauerTek Farmaceutical Technologies, Kaibigan sa Kalusugan, at The GlobaLeader Inc. sa mga hakbang upang labanan ang climate change. Sa pamamagitan ng mga programang pagtatanim ng puno, aktibong tumutulong ang BauerTek sa pagbawas ng carbon sa kapaligiran sa pamamagitan ng carbon sequestration.
Sa pangunguna ni Scientist/Inventor Richard Nixon Gomez na itinalaga bilang National Commander ng STEP, gagamitin ang mga makabagong pamamaraan at mga science-based solution upang matugunan ang mga hamon ng pagbabago ng klima sa bansa.
Panauhing pandangal sa nasabing seremonya si Commissioner Albert P. Dela Cruz ng Climate Change Commission at Director General ng Climate Change Task Force.
Nawa’y magsilbi itong inspirasyon sa bawat isa upang patuloy nating gampanan ang ating mga tungkulin nang may integridad, dedikasyon, at malasakit sa kalikasan at sa bayan.