27/03/2026
TINGNAN | ๐๐๐ซ๐๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ค๐๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ ๐๐ง ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฒ๐, ๐๐ง๐ข๐ฅ๐๐ฉ๐ข๐ญ ๐ฌ๐ ๐๐จ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐๐๐ ๐ง๐ ๐๐ซ๐ ๐ฒ. ๐๐ฎ๐ซ๐๐ฒ, ๐๐จ๐๐ซ๐ข๐ ๐ฎ๐๐ณ, ๐๐ข๐ณ๐๐ฅ
Naghatid ng libreng serbisyong pangkalusugan ang Family Health Cluster ng DOH CHD CaLaBaRZon sa isinagawang KAPUUA: Kalusugang Pampamilya sa Unserved at Underserved Areas kahapon, Marso 26, 2026, para sa mga Katutubong Dumagat-Remontado at iba pang miyembro ng komunidad ng Brgy. Puray, Rodriguez, Rizal.
Umabot sa 455 indibidwal ang nabigyan ng libreng family health services. Kabilang dito ang medical consultation, vital signs assessment, laboratory services, dental services, immunization, nutrition services, chest X-ray, maternal services, newborn screening, family planning, at pamamahagi ng libreng gamot. Nagkaroon din ng lectures tungkol sa paggawa ng herbal medicine, tamang pagsisipilyo, at kahalagahan ng newborn screening, nutrition and breastfeeding, at pagpapabakuna.
Sa patuloy na paghahatid ng mga serbisyong pangkalusugan, pinagtitibay ng DOH CALABARZON ang layunin nitong mailapit ang dekalidad, abot-kaya, at inklusibong pangangalaga sa kalusugan lalo na sa mga komunidad na higit na nangangailangan para sa mas malusog at mas matatag na pamilyang Pilipino.