30/09/2025
Through her strength, sacrifice, and love, Ms. 𝗦𝗵𝗲𝗶𝗹𝗮 𝗣𝗲ñ𝗮𝗿𝗮𝗻𝗱𝗮 gave her daughter 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗲 the most precious gifts of all: life, and a second chance at it. After Marie became severely ill with chronic kidney disease, both experienced significant financial difficulties. With the holistic support and care from the NKTI’s social services to the medical professionals that saw to Marie’s care and, ultimately, Shiela becoming her Living Related Donor, both now have a strong chance at facing life together, whatever challenges it brings them.
-----
Iniwan kami ng asawa ko noong nalaman niyang may sakit si Marie. Pero kahit sobrang bigat ng dinanas ko, kumapit lang ako sa Panginoon. Sabi ko, ‘Lord, hindi Mo kami pababayaan.’ At hindi nga.
Malaking tulong ang mga social worker sa NKTI. Sila ang nagturo sa akin kung paano kumuha ng guarantee letters para sa dialysis at sa mga kailangan sa ospital. Doon ko natutunan na kahit wala kaming pera, may paraan pa rin basta’t wag kang susuko. Si Ma’am Irene [Lansangan] mismo ang nagbigay sa akin ng lakas ng loob: ‘Pwede mo itong lakarin, pwede kang humingi ng tulong, wag kang matakot.’ Siya rin ang naghikayat sa akin na ituloy ang proseso ng transplant kahit malaki ang halaga. Dahil sa gabay nila, natutunan kong maging persistent, maging resourceful, at huwag mawalan ng pag-asa.
Habang nagda-dialysis si Marie, nagtinda ako ng tapsilog, tinapay, kahit anong pwede, doon mismo sa NKTI. Pati mga kapwa pasyente at nurses, bumili sa akin para lang makadagdag sa panggastos. May mga kaibigan din na nagpahiram ng paninda, mga churchmates na tumulong, at mismong mga dialysis patients na nag-abot ng tulong. Hindi ko lubos maisip na pati sila, kahit sila mismo may pinagdadaanan, sila pa ang tumulong sa amin.
Nung sinabi ng doktor na ako pwedeng maging donor, hindi ako natakot. Kahit mismong anak ko, ayaw pumayag. Pero sabi ko sa kanya, ‘Kung tayo magka-match, hindi tayo pababayaan ni God.’ At totoo—lahat ng pangangailangan namin, ipinrovide Niya.
July 19, 2024—natuloy ang kidney transplant. At ngayon, buhay na buhay si Marie, nakakapagserve na ulit sa church, nakakapagpatuloy ng baking business niya.
Para sa mga potential donor—lalo na yung mga kamag-anak na nilalapitan ng mga pasyente—huwag kayong matakot. Madali lang ang proseso ng pagiging kidney donor. Ako nga, tatlong araw lang, nakauwi na ako. Nakakatayo na, malakas na. Sabi pa ng anak ko, ‘Ma, bawal ka magbuhat,’ pero pakiramdam ko ang lakas-lakas ko.
Kaya huwag kayong pangunahan ng takot. Lahat naman dadaan sa tamang proseso ng work-up. Kung hindi ka qualified, hindi ka papayagan, kaya very safe. Pero kung pasado ka, alam mo na kaya mo.
-----
𝗛𝘂𝗺𝗮𝗻𝘀 𝗼𝗳 𝗡𝗞𝗧𝗜 is an initiative by the Strategy Management Division that shines a spotlight on the personal and healthcare journeys with us. Every patient’s healthcare journey is a testament to the impact we make, and each step toward recovery is a moment worth celebrating.