04/01/2018
Buhay grab/uber
Nung una nangarap akong umunlad, kaya sinubukan kong sumali sa uber,
naisip ko maganda ang kikitain ko sa propesyon na kayang kaya kong gawin, ang pagmamaneho.... Panis! Kayang kaya!
Pero nung ilang buwan na kong nagmamaneho sa uber,
Ramdam ko ang pagod,
Maghapong nakaupo,
ngalay ng balikat,
sakit ng tuhod
Para lamang kumita ng ilang porsyento mula total fares, usually 30 to 40 percent ng total fares. Gross minus 20%grab, minus 20% top up(puhunan mo para bukas), minus gas more or less 20% to 30% ng gross. Lalo kung mag baboundary ka pa.
Pagaaralan mo kung papano magdrive ng tipid. Mahal na kasi gas.
Nakakaawa na rin ang condition ng sasakyan, hahanap ka ng murang alternatibo sa monthly maintenance, dati casa, ngayun gasulinahan na lang. Minsan DIY pa.
Mararanasan mong maghapong init, traffic, ulan, kahit baha susuungin mo maihatid lamang ang iyong pasahero.
Titiisin mo ang mga sakay mo na para mong amo kung ituring. Halos kulang na lang ipasok mo sa bahay nila at kargahin pasakay ng kotse.
Di ko na ramdam na sa kin pala ang sasakyan.
Minsanan ko na lang maisakay ang aking pamilya sa aking kotse. Halos laging ibang tao na lamang ang aking naisasakay.
Dati rati nakakakain pa kami sa labas, ngayun di na masyado, kasi lagi ako sa kalsada. Maluluha ka na lang pag nakapagsakay ka ng pamilyang sinundo mo sa restaurant. Pero kailangan smile pa din. 😂😂😂
Lilinisin mo auto bago ka lumabas, ikaw na sa sarili mo, sayang lang kung ipapacarwash mo pa. Pag uwi mo, makikita mo na marumi na naman. Masakit na ang katawan mo, sige bukas na lang ulit malinis.
Nahihiya ka sa pasahero dahil gusto mo pagsakay nila malinis na ulit, pero may nasasabi pa sila. Rerate ka pa ng low star. Ganyan nga siguro ang customer service, you cannot please everyone. Kailangan tanggapin.
May kunswelo din naman sila .... "wag mo na suklian kuya." Pagtingin mo, piso lang pala sukli 😣😣😣😣😣😣 di naman lahat, ung iba dos.
Maganda naman ang uber, mahirap lang. Mahirap pa sa regular job. Maghapon kang kakayod para kumita ng higit sa minimum na sahod, minsan magdamag pa. Di biro ang pinasok kong ito. Di ko maikukumpara sa ibang trabahong pinasukan ko, lahat ng un panis! Yakang yaka!
Eto mapapabugtong hininga ka na lang pag nagbilang ka ng kinita mo maghapon or magdamag... " haaaaa! Yun lang? Magkanu kaya kinita ng kapitbahay naming tricycle boy? Hmmm" di bale, nakakotse ka naman! Sabay tulog! Olrayt!
Saludo ako sa mga nakakakaya ng halos 16 hrs to 18 hrs sa kalye. Sa mga nakakahit ng 60 70 rides o higit pa. Sa mga drivers na sa labas na naguumagahan, tanghalian at hapunan... kung san abutan. Ung iba nga siguro ngayun na lang nakakain sa kung saan saang karinderia. Ung iba sa sasakyan na rin natutulog, kasi napalayo, eh wala namang set destination para makauwi.
Ibang level talaga kayo mga paps and m**s, I salute!
Pero kailangan tanggapin ang katotohanan. Di ka pala uunlad dito. May pambabayad ka lang sa gastusin mo araw araw. Minsan kulang pa.
Maluluma ng mabilis ang sasakyan mo, kakahabol ng incentives, babagsak ang katawan mo sa pagod at puyat. Minsan ayaw mo na tignan ung dati mong pics, laki na ng pinayat mo.
Siguro nga kung maganda ang fare at base sa kundisyon ng traffic na dadaanan ng pasahero ang pag compute ng presyo, or depende sa itatagal ng byahe ang sistema. Sulit mag grab anytime. Masasabi mo, you are your own boss. And its all worth the drive. Happy ka, good service din ang mapoprovide mo. But sad to say, that is not whats happening. Your beginning to focus more on the target rides at minsan sa sobrang pagod, nagiging barubal na magmaneho, nalalapit na sa disgrasya.
May incentive nga pala. Kung mahihit mo ng normal pa kondisyon ng katawan mo at sasakyan mo. 😂😂😂😂😂
Anyways, eka nga nila.... pinasok mo yan eh, ganyan talaga, wala namang madaling trabaho. Pero kung driver ka ng uber, masasabi mo sa sarili mo di talaga madali. Kung may mahirap na trabaho, isa to sa pinakamahirap. Bakit? Tagal mo kumayod, Maghapon magdamag, nakikita mo ang dami mong kinita, pag inawas mo lahat paluwal ka pa pala. Para ka lang nagmarathon na wala ka namang naiuwing premyo. Nga lang, andyan na yan eh... kailangan pangatawanan na. Meron ka ng responsibilidad. And were not the type of man/woman na tatalikod na lang basta basta.
Minsan tuloy di mawala sa isip ko tungkol sa uber ang larong "Tuloy o tigil"
As the saying goes... "A man can be destroyed, but will never be defeated"
But in the end of the day.........
Is it really worth the sacrifice?
Yan ang buhay TRANSPORTER
Buhay Driver...