03/11/2025
ALAM N’YO BA? | NATIONAL CHILDREN'S MONTH
Alinsunod sa Republic Act No. 10661, ipinagdiriwang ang "Buwan ng mga Bata" tuwing Nobyembre sa Pilipinas. Ito ay upang gunitain ang pagpapatibay sa United Nations Convention on the Rights of the Child noong ika-20 ng Nobyembre 1989. Layunin ng batas na maitanim ang kahalagahan nito sa kamalayan ng mga Pilipino at mapanatili ang pagtataguyod at pagprotekta sa mga karapatan ng mga bata.
Ang tema para sa taong ito na tumutukoy sa Online Sexual Abuse or Exploitation of Children and Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (OSAEC-CSAEM) ay, "OSAEC-CSAEM Wakasan: Kaligtasan at Karapatan ng mga Kabataan, Ipaglaban!".
Kaugnay ng pagdiriwang ngayong taon, inilabas ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal ang Memorandum Circular No. 2025-106 na nanghihikayat sa lahat ng tanggapan ng Kagawaran at sa mga lokal na pamahalaan na suportahan ang paggunita nito.
Upang mabasa ang buong teksto ng MC, mangyaring bisitahin ang link na ito: https://tinyurl.com/DILGMCNo2025-106