Barangay Damayan Official

Barangay Damayan Official Mission: To raise the quality of life and to make barangay damayan a better place to deal and dwell.

Vision:A dynamic, accessible and people oriented barangay that will provide best value services to its constituents utilizing good governance

11/03/2026
📢 PAALALA SA MGA RESIDENTEAng Barangay Hall ay half day lamang ang operasyon BUKAS, March 12, 2026 dahil sa isasagawang ...
11/03/2026

📢 PAALALA SA MGA RESIDENTE
Ang Barangay Hall ay half day lamang ang operasyon BUKAS, March 12, 2026 dahil sa isasagawang paglalagay ng poste ng Meralco sa San Joaquin Street.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at kooperasyon. 🙏

10/03/2026
‼️Para po sa gustong kumuha ng National Id ay magtungo po sa ating PSA office‼️
06/03/2026

‼️Para po sa gustong kumuha ng National Id ay magtungo po sa ating PSA office‼️

📣 ANUNSYO SA PUBLIKO 📣

Simula April 1, 2026, Philippine Identification System (PhilSys) o National ID na ang primary ID na gagamitin sa payout activities ng programang Social Pension for Indigent Senior Citizens.

Inaanyayahan ang lahat ng benepisyaryo na wala pang National ID na magpunta sa pinakamalapit na opisina ng Philippine Statistics Authority (PSA) upang magpa-rehistro.

Ipinapaalam din sa lahat na may koordinasyon ang ating tanggapan sa PSA upang magsagawa ng National ID registration tuwing payout para mapadali ang pagpaparehistro ng mga senior citizen beneficiaries.

Binibigyang-diin din na ang mga bedridden na benepisyaryo ay pupuntahan ng PSA upang maisagawa ang kanilang PhilSys registration.

Maraming salamat.




Department of Social Welfare and Development - DSWD

💜🌸 Women’s Month Calendar of Activities | Barangay Damayan 🌸💜Narito na ang ating mga nakatakdang gawain para sa pagdiriw...
02/03/2026

💜🌸 Women’s Month Calendar of Activities | Barangay Damayan 🌸💜

Narito na ang ating mga nakatakdang gawain para sa pagdiriwang ng National Women’s Month! Ang Barangay Damayan ay buong pusong nakikiisa sa pagbibigay-pugay sa lakas, galing, at mahalagang papel ng kababaihan sa ating komunidad.

Inaanyayahan ang lahat na makiisa at makilahok sa iba’t ibang aktibidad na inihanda para sa buwan ng kababaihan — mula sa mga seminar, health programs, livelihood activities, at iba pang makabuluhang programa.

Sama-sama nating ipagdiwang ang tagumpay at ambag ng bawat babae tungo sa mas inklusibo at mas maunlad na barangay!

💪💖 “BABAE KA, HINDI BABAE LANG! ✊🏻💜”




Matagumpay na naisagawa ang Strong Family Program ng Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council (QCADAC) sa pangunguna...
02/03/2026

Matagumpay na naisagawa ang Strong Family Program ng Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council (QCADAC) sa pangunguna ng Barangay Damayan Council, katuwang ang masipag at dedikadong BADAC Focal Person na si Angela Superales.

Layunin ng programang ito na patatagin ang samahan ng bawat pamilya sa ating komunidad, palakasin ang ugnayan ng magulang at anak, at itaguyod ang isang ligtas at makabuluhang pamumuhay na malayo sa ipinagbabawal na gamot.

Ang Barangay Damayan ay patuloy na nakikiisa sa mga programang nagsusulong ng maayos, matatag, at responsableng pamilya — sapagkat ang matatag na pamilya ang pundasyon ng isang matatag na komunidad.




Isang Pagpupugay para sa ating kapwa kababaihan na na nagbibigay lakas at kalinga sa ating  pamilya, komunidad at bansa.
02/03/2026

Isang Pagpupugay para sa ating kapwa kababaihan na na nagbibigay lakas at kalinga sa ating pamilya, komunidad at bansa.

Kilalanin mabuti ang mukhang ito at Mag ingat.  Ang tao pong ito ay ng budol sa isang Business Establishment sa ating Ba...
26/02/2026

Kilalanin mabuti ang mukhang ito at Mag ingat. Ang tao pong ito ay ng budol sa isang Business Establishment sa ating Barangay. Isang LGBT na balingkinitan ang katawan. Ang Modus magpapa palit ng pera..

23/02/2026

Magandang Gabi, Ka-Distrito! 💚

Nais po naming ipagbigay alam na ang ating opisina ay muling tatanggap ng mga kahilingan para sa tulong medikal (requests for Medical Assistance) simula Martes, Pebrero 24, 2026.

📍 #25 West Avenue, Brgy. Nayong Kanluran
⏰ Lunes–Huwebes, 9:00 AM – 3:00 PM

Hinihiling po namin na dalhin ninyo ang inyong mga orihinal na dokumento at kopya nito para sa maayos na proseso.

Maraming salamat po!


Hinahanap po ang may ari ng Sasakyan na nakaparada po sa Harap ng Gate ng Simbahan.
21/02/2026

Hinahanap po ang may ari ng Sasakyan na nakaparada po sa Harap ng Gate ng Simbahan.

18/02/2026

LIVE | The Celebration of the Holy Mass for Ash Wednesday - February 18, 2026

Address

30 San Vicente Corner Zamora Sts. , Brgy. Damayan, , Tel No. 8395-7724
Quezon City
1104

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Telephone

+638395-77-24

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Damayan Official posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Barangay Damayan Official:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram