10/03/2026
Free Ceelin Plus para sa mga batang magreregister sa aming YAKAP clinic, exclusive sa mga taga-Barangay Santo Niño!
Pumunta sa Barangay Philhealth Caravan ngayong Miyerkules, March 11, 9am-4pm, sa Santo Niño Barangay Hall at iregister ang inyong anak sa aming YAKAP clinic (hanapin ang "Damiana Social Ventures"). Pwede ding magregister gamit ang eGov app o Philhealth Member's Portal.
Para lang sa mga batang edad 2-15 years old na taga-Santo Niño na WALA PANG RECORD sa Fe Del Mundo Medical Center Primary Care Clinic. Kailangang dala ang bata sa araw ng activity para makakuha ng libreng Ceelin Plus, at magdala ng birth certificate. Limitadong supply lang, kaya first come, first served!
Ang initiative na ito ay parte ng partnership ng Fe Del Mundo Medical Center Primary Care Clinic (by Damiana Social Ventures), Philhealth - Quezon City, Unilab, at Barangay Santo Niño, sa pangunguna nina Punong Barangay Paolo E. Concepcion at Kagawad Dr. Peter Andrew S. Dumanig.
-----
Ang Fe Del Mundo Medical Center Primary Care Clinic ay bukas sa pakikipagpartner sa mga kalapit na barangay. Magmessage lang sa aming page para magrequest ng meeting.