14/01/2026
"Alam mo bang meron ng CBS Motivator sa San Francisco, Quezon? Hindi mo kailangan magpakilala, tapos may counseling pa. Hindi lang ito para sa mga ‘high risk’—kahit sinong s*xually active, mainam na regular na nagpapapa-test. Para lang sa peace of mind. Importante talaga ‘to. Maraming tao ngayon ang hindi nila alam na positive na pala sila. Pero kapag maagang nalaman, kayang-kaya itong gamutin at kontrolin. Ayokong may mangyari sa’yo."
📍"San Francisco, Quezon"Rural Health Unit
🕒"Open every Monday–Friday, 8 AM–5 PM"
💸"Libreng testing!"
📝 "Confidential – hindi mo kailangang magpakilala at hindi mo rin kailangan matakot"
👥 May counseling? Yes
Para sa karagdagang impormasyon hanapin lang si Jalbuena Peñaojas