19/01/2026
โผ๏ธTAMANG NUTRISYON SA MGA BATA, DAPAT TUTUKANโผ๏ธ
Ang stunting o pagiging pandak at maliit ang pangangatawan dahil sa chronic malnutrition ay nakaaapekto sa 1 sa bawat 3 batang Pilipino na wala pang limang taong gulang, na maaaring magdulot ng panghabambuhay na epekto sa kanilang kalusugan at pag-unlad.
Higit na maunawaan ng lahat ang malubhang epekto ng malnutrisyon, hindi lamang ang gutom o pagpayat, kundi pati ang mga sakit mula sa kakulangan o labis na nutrisyon.