21/07/2025
🚨 PAALALA SA PUBLIKO 🚨
Dahil sa patuloy at malakas na pag-ulan, inaasahan po ang biglaang pagtaas ng tubig sa mga mabababang lugar sa ating barangay. Pinapayuhan ang lahat ng residente, lalo na ang mga nakatira malapit sa ilog at mga flood-prone areas, na maging alerto at maghanda sa posibleng paglikas.
Para sa inyong kaligtasan, ang itinakdang evacuation center ay matatagpuan sa Geronimo Elementary School. Bukas na po ito at handang tumanggap ng mga evacuees kung kinakailangan.
👉 Dalhin po ang mahahalagang gamit gaya ng:
• ID at importanteng dokumento
• Damit at kumot
• Pagkain at tubig
• Gamot at first aid kit
• Gamit ng mga bata at matatanda
Makipag-ugnayan lamang po sa inyong Barangay Officials para sa tulong o kung may nangangailangan ng transportasyon papunta sa evacuation center.
Maging alerto, mag-ingat, at magkaisa para sa kaligtasan ng lahat.
📢 Patuloy po kaming magbibigay ng update habang kinakailangan.
Maraming salamat po at ingat tayong lahat. 🙏🌧️