Municipal Health Office - Bayan ng Montalban

Municipal Health Office - Bayan ng Montalban Care beyond service

28/11/2025
26/11/2025

ABISO SA PUBLIKO | SECOND DOSE VACCINATION NG HPV

Ipinapaalam sa mga magulang at tagapag-alaga na magkakaroon ng Second Dose Vaccination ng Human Papilloma Virus (HPV) Vaccine para sa mga batang babae na may edad 9 hanggang 14 taon. Saklaw nito ang mga batang nabakunahan noong Mayo 23, 2025 sa Municipal Gymnasium, Balite, pati na rin ang mga batang hindi pa nabibigyan ng second dose sa School-Based Immunization Program noong Nobyembre hanggang Disyembre 2024 sa iba't ibang elementarya sa Bayan ng Montalban.

Schedule ng pagbabakuna:
Lugar: Municipal Health Office
Petsa: Nobyembre 24–28, 2025
Oras: 8:00 AM – 5:00 PM
Dalhin: Immunization Card ng bata

Magbibigay ng maagang proteksyon ang pagbabakuna sa kabataang babae laban sa HPV at mga posibleng sakit tulad ng cervical cancer, at tutulong sa kanila na lumaki nang malusog at ligtas. Kasabay nito, bahagi rin ito ng programa ng Lokal na Pamahalaan ng Montalban, sa ilalim ni Mayor General Ronnie S. Evangelista (Ret.), katuwang ang MHO, Department of Health (DOH), at Department of Education (DepEd), na nagsusulong ng maayos at ligtas na kalusugan para sa kabataan ng ating bayan.

Inaanyayahan ang lahat ng magulang at tagapag-alaga na dalhin ang kanilang anak sa itinakdang petsa at oras upang matiyak ang proteksyon ng kanilang kalusugan. Huwag palampasin ang pagkakataong ito!

MGA HEALTH FACILITIES NA BUKAS (NOVEMBER 10, 2025)Mag-ingat po ang lahat sa mga posibleng sakit na dulot ng masamang pan...
09/11/2025

MGA HEALTH FACILITIES NA BUKAS (NOVEMBER 10, 2025)
Mag-ingat po ang lahat sa mga posibleng sakit na dulot ng masamang panahon tulad ng trangkaso, leptospirosis, at iba pang waterborne diseases. Narito ang mga health facilities na maaari ninyong puntahan para sa kinakailangang serbisyo at tulong medikal.
Bukas ang mga Barangay Health Stations (BHS) upang magbigay ng immediate care gaya ng pagkuha ng vital signs, wound care, health advice, at referral services.
Para naman sa mga nakalubog o nakalusong sa baha, maaari kayong magpatingin para sa Post-Exposure Prophylaxis (PEP) laban sa Leptospirosis. Ang gamot na ito ay ibinibigay sa mga bukas na health facilities, kasama ang konsultasyon at reseta mula sa inyong doktor.
Alagaan natin ang ating kalusugan, Montalbeño! Kung nakakaramdam ng anumang sintomas, agad na magpatingin sa pinakamalapit na health center o Barangay Health Station.

07/11/2025

MONTALBAN EMERGENCY HOTLINES

Bilang paghahanda sa inaasahang epekto ng Bagyong Uwan (Fung-Wong), pinaaalalahanan ang lahat na maging handa at alerto sa posibilidad ng malalakas na hangin at matinding pag-ulan.

Para sa ating mga kababayang Montalbeño, narito ang mga emergency hotline na maaaring tawagan sa oras ng pangangailangan:

📞 Montalban Emergency Hotline: 911
☎️ Montalban Helpline: (02) 8370-3333

Manatiling ligtas at patuloy na sumubaybay sa mga opisyal na anunsyo mula sa inyong Lokal na Pamahalaan at mga kinauukulang ahensya ng gobyerno.

Address

Rodriguez
1860

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639381923590

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Health Office - Bayan ng Montalban posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Municipal Health Office - Bayan ng Montalban:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram