16/10/2025
๐ ๐ข๐ฟ๐ถ๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ผ๐ป ๐๐ต๐ฒ ๐ฃ๐ต๐ถ๐น๐๐ฒ๐ฎ๐น๐๐ต ๐ฌ๐๐๐๐ฃ (๐ฌ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐น๐๐๐๐ด๐ฎ๐ป ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ด๐ฟ๐ฎ๐บ) ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐๐ ๐ข๐ง (๐๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐๐ฒ๐ฒ๐ฑ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ฐ๐ฐ๐ฒ๐๐๐ถ๐ฏ๐น๐ฒ ๐ ๐ฒ๐ฑ๐ถ๐ฐ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐) ๐ณ๐ผ๐ฟ ๐ข๐๐๐ฝ๐ฎ๐๐ถ๐ฒ๐ป๐ ๐ง๐ฟ๐ฒ๐ฎ๐๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐
๐
October 16, 2025
๐ Tanville Hotel and Resort, Rosario, Batangas
Isinagawa ngayong Oktubre 16, 2025, sa Tanville Hotel and Resort, Rosario, Batangas, ang Orientation on the PhilHealth YAKAP (Yaman ng Kalusugan Program) and GAMOT (Guaranteed and Accessible Medications) for Outpatient Treatment.
Dinaluhan ito ng mga Chiefs of Hospitals, Chief Nurses, Administrative Officers, Pharmacists, at PhilHealth Clerks mula sa lahat ng District Hospitals ng Lalawigan ng Batangas, kabilang na rin ang mga Pharmacists, PhilHealth Clerks, at iba pang kinatawan mula sa Provincial Health Office โ Proper.
Layunin ng oryentasyon na palawakin ang kaalaman at pag-unawa hinggil sa implementasyon ng PhilHealth YAKAP at GAMOT Programs, na naglalayong masiguro ang accessible, abot-kaya, at maayos na serbisyong pangkalusugan para sa mga pasyenteng outpatient.
Sa ginanap na oryentasyon, ibinahagi ng PhilHealth Team ang mga pangunahing detalye at proseso ng pagpapatupad ng mga programa, sinundan ng masiglang talakayan at pagbabahagi ng karanasan mula sa mga kinatawan ng ospital. Ang aktibidad ay nagbigay-daan sa mas matatag na ugnayan sa pagitan ng mga ospital, PhilHealth, at Provincial Health Office โ isang mahalagang hakbang para sa patuloy na pag-unlad ng serbisyong pangkalusugan sa Batangas.
๐๐๐ฏ๐ผ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ ng Mahal na Virgen Maria Sto. Rosario District Hospital sa PhilHealth Team sa pagbabahagi ng mahahalagang impormasyon at mga bagong kaalaman hinggil sa mga naturang programa.
Taos-pusong pasasalamat din kay Gov. Vilma Santos-Recto sa kanyang patuloy na pagtutok sa kalusugan ng mga Batangueรฑo sa ilalim ng ๐.๐.๐.๐ฅ.๐ง.๐ฆ. ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ด๐ฟ๐ฎ๐บ, na ๐ฏ๐ข๐จ๐ด๐ถ๐ด๐ถ๐ญ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ด ๐ฑ๐ช๐ฏ๐ข๐ฃ๐ถ๐ต๐ช๐ฏ๐จ ๐ด๐ฆ๐ณ๐ฃ๐ช๐ด๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ฆ๐ฅ๐ช๐ฌ๐ข๐ญ ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ด๐ข ๐ญ๐ข๐ฉ๐ข๐ต. Gayundin, isang malaking pasasalamat kay OIC-Provincial Health Officer I, Dr. Gerald G. Alday, at kay Ms. Ana Liza R. Abrenica, RN, MAN, Health Service Delivery Division Chief ng Batangas Provincial Health Office, sa kanilang gabay, inspirasyon, at walang sawang suporta sa lahat ng ospital ng lalawigan.
Patuloy itong magsisilbing inspirasyon para sa mas maayos, mas epektibo, at makataong serbisyong pangkalusugan para sa bawat Batangueรฑo. ๐
๐๐น๐ฎ๐ด๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ด๐ฎ, ๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐ฏ๐ถ๐๐๐ผ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ด.