02/03/2022
SCIATICA AT PAGBUBUNTIS
Ito ang tawag sa pananakit ng parte ng katawan kung saan dumadaan ang sciatic nerve. Nanggagaling ito sa babang likod, balakang, pababa ng magkabilang paa sa isang bahagi, bibihira na magkabilaan.
✴️Ang pananakit nito ay karaniwan dahil sa problema sa "spine"- mga buto sa likod na nagkokonekta sa buto ng ulo pababa ng balakang, kung saan nakakabit sa likod ang mga "ribs". Karaniwan, ang sciatica ay dahilan na naiipit ang mga ugat na kung saan nagkakaroon ng pamamaga, sakit o pangingimay nang apektadong bahagi.
✴️Ang sakit ay pwedeng mild hanggang severe o sobrang sakit na nahihirapan maglakad ang mayroon nito.
⭕️Sa mga buntis, dahil sa bumibigat na matres na may baby, mas nagiging malala ang sintomas ng sciatica.
⭕️ Maaring manganak ng normal ang isang buntis na may sciatica. Ito ay nakadepende sa kanyang "pain threshold."
❓️PAANO ITO GINAGAMOT?
Depende sa simtomas at kung gaano kagrabe. Karaniwan ay nadadaan sa pag-inom ng pain relievers, mga tamang exercises, pagbabawas ng timbang, o maaaring operahan kung sobrang sakit o naapektuhan ang pagihi at pagdumi.
❓️PAANO ITO MAIIWASAN ?
✅ Panatilihin ang tamang timbang (normal na BMI)
✅ Magehersisyo ng maayos
✅ Maayos na postura - diretso ang likod at hindi nakakuba o alanganing posisyon.
✅ Iwasan ang mga sakit katulad ng diabetes.
☝️Pag may ganitong nararamdaman, magpacheck-up agad sa inyong mga doktor upang magabayan kayo paano ito magagamot.
- Doc Arbie🤓
CTTO