15/05/2025
Is it coffee, milktea, softdrinks or powdered juice? Syempre dun tayo sa uso. Right?
Well hindi naman maalis yun and normal na magtry ng kung anu-anong trending drinks or beverages.
Pero hindi na okay kapag more than 3 or more drinks ka na kada linggo.
Why?
Ang isang coffee na nabibili natin sa labas ay nasa 300-400 calories per cup(16oz) yan. Well para ma-appreciate nyo po katumbas yan ng 1 plato na may ulam, gulay at kanin na π Ang laki di ba? Pano na lang kapag 3-5x a week ka uminom nyan? Ay weight gain talaga!
Pano na lang puro water na lang? Well better if more water pero kung papipillin ka, dun ka na sa natural!
Why? Sayang sa oras? Walang time to prepare?
Well time management is a key at pwede mo naman gawin ito bago ang schedule mo π
Here's one of my favorite drink. Let me share the recipe below.
β¨β¨β¨Fresh Cucumber Ginger Lemongrass Juice β¨β¨β¨ππ₯π«π΅
Mga Ingredients:
Fresh Cucumbers(thinly cut)
Lemon juice squeeze/pwede ring calamansi
Lemon(thinly slice) /pwede ring calamasi βΊ
Ginger/Salabat water/pinakuluang luya
Lemongrass water/pinakuluang lemongrass
Sugar(optional)
Ice (optional kung bet nyo po ng malamig agad o papalamigin)
Direction:
Paghahaluin lamang po lahat sa isang 800 ml na pitcher. Maaring palamigin muna o lagyan ng ice para mainom agad.
Maari itong maging beverage after lunch/dinner/snacks pero dapat uminom pa rin ng tubig 15-30 minutes after meal.
Kung bibilhin ito sa labas, ang isang baso sa ibaba ay nagkakahalaga ng 200-230 pesos at hindi mo pa sure kung ilang kutchara ng asukal ang inilagay pero kung ikaw ang gagawa malalaman mo ang asukal at may option ka pang bawasan o palitan ito ng artificial sweeteners tulad ng equal/stevia/splenda kung ikaw ay may diabetes.
Mahalaga na malaman ang tamang pagkain at paano ito ihahain. Magpakunsulta po kayo sa mga Registered Nutristionist-Dietitian upang mabigyan ng tamang abiso. βΊ
Pm now to set your appointment ππ