10/11/2025
Kayari na ning bagyu, Cabalen, Komusta ka?
Matapos ang bagyong ulan, hindi lang bahay at kabuhayan ang maaaring nasira—maging ang ating kalooban ay maaaring naapektuhan din.
Ang stress, takot, at pagkalungkot ay normal na reaksyon sa matinding karanasan.
Narito ang ilang paalala para sa iyong mental health recovery:
✅ Kamustahin ang sarili. Pahintulutan ang sarili na makaramdam—normal ang malungkot, matakot, o mapagod.
✅ Kumonekta sa iba. Makipag-usap sa pamilya, kaibigan, o kapitbahay. Ibahagi ang nararamdaman.
✅ Magpahinga at magbalik sa rutina. Ang simpleng gawain gaya ng paglilinis o pagluluto ay nakakatulong sa pagbalik ng sigla.
✅ Iwasan ang sobrang stress. Limitahan ang pagbababad sa negatibong balita.
✅ Humingi ng tulong kung kinakailangan. Walang masama sa paglapit sa mga propesyonal o lokal na health workers.
Ang kalusugan ng isip ay kasinghalaga ng kalusugan ng katawan. Sa muling pagbangon ng Pampanga, sabay nating alagaan ang ating sarili—pisikal, emosyonal, at mental.
Ingat at Bangon, Pampanga!