19/12/2025
HOROSCOPE FOR TODAY
December 19, 2025
Aries
(March 21 - April 19)
Kahit malakas ang iyong katawan, kung ang loob mo ay mahina, mahihirapan kang gumalaw. Hindi masusukat ng pisikal na kaanyuan ang mararating mo sa buhay, kaya lakasan ang kalooban. Mahirap at nakakapagod ang lahat. Pero kapag handa kang lumaban, gaano man ito kahirap, ikaw pa din ang magtatagumpay.
Lucky number: 24, 2, 36
Lucky color: purple, white
Ta**us
(April 20 - May 20)
Huwag mong ikumpara ang takbo ng buhay mo sa iba, dahil ang kapalaran ng tao ay hindi iisa. Kung nauna man silang umangat, hindi ibig sabihin ay napag iwanan ka na. Lahat ay may kanya kanyang oras at panahon kaya huwag kang malungkot sa kasalukuyan mong sitwasyon.
Lucky number: 5, 16, 7
Lucky color: beige, white
Gemini
(May 21 - June 20)
Minsan kailangan mong masaktan para malaman mo ang iyong pagkakamali sa buhay. Bawat kabiguan ay mag iiwan ng aral at bawat sakit ay magpapaalala sa iyo na kailangan mo din pahalagan ang sarili. Hindi sa lahat ng oras ay kailangan lagi kang mabait, matuto ka din umayaw sa mga tao at bagay na hindi na kailangan tanggapin sa iyong buhay.
Lucky number: 42, 8, 19
Lucky color: orange, violet
Cancer
(June 21 - July 22)
Kung gusto mong magtagumpay, magtiwala ka sa sarili. Kapag sa tiwala pa lang ay buo ka na, panalo ka na. Kung positibo ka sa buhay, lahat ng bagay ay iyong makakayanan. Hindi ka mahihirapan dahil alam mong maganda lagi ang patutunguhan.
Lucky number: 10, 39, 27
Lucky color: beige, black
Leo
(July 23 - August 22)
Hindi ka lang nagsasabi ng problema, pero marami kang dinadala.Tahimik ka lang lumalaban dahil alam mong iyo din malalampasan. Sa Diyos ka na lang malimit magsabi, dahil alam mong Sya lang lagi ang iyong kakampi.
Lucky number: 6, 15, 8
Lucky color: orange, green
Virgo
(August 23 - September 22)
Hindi lahat ng bagay na nawala sa iyo ay failure, minsan isa itong blessing para magbigay ng daan sa tamang oportunidad. Kaya lahat ng nangyayaring hindi maganda ay huwag mong isiping parusa. Minsan isa itong biyaya para mas makita mo ang tama.
Lucky number: 36, 45, 9
Lucky color: orange, blue
Libra
(September 23 - October 22)
Huwag pwersahin ang sarili para makuha ang gusto mo. Manatiling kalmado dahil hindi ka lalampasan ng kung ano ang para sa iyo. Huwag kang masyadong mapressure dahil gaano man kabagal ang lahat, meron pa rin itong tamang oras.
Lucky number: 36, 44, 10
Lucky color: green, red
Scorpio
(October 23 - November 21)
May mga araw na sadyang mahirap, pero hindi ibig sabihin ay mabigat na ang iyong buhay. Parte lang ito ng proseso na iyo din malalampasan. Hindi permanente ang lahat dahil kung dumarating man ang hirap, darating din sa iyo ang ginhawa at tagumpay.
Lucky number: 5, 14, 14
Lucky color: orange, gray
Sagittarius
(November 22 - December 21)
Kailangan mo din unahin ang sarili at huwag laging iba ang ipriority. Kailangan mo din isipin ang iyong kapakanan dahil walang ibang gagawa nyan. Napapagod ka din sa lahat ng bagay, kaya sarili naman ang pagbigyan.
Lucky number: 26, 8, 12
Lucky color: sky blue, brown
Capricorn
(December 22 - January 19)
Hindi mo kasalanan kung nagbago ka para sa ikabubuti mo. Hindi mo pwedeng samahan habang buhay ang mga taong walang pangarap, kaya nararapat na sila ay iwasan. Hayaan mong ikaw ay umangat kahit marami silang sinasabi sa iyong likuran. Sabihin man nilang ikaw ay nagbago, iyon ay totoo. At kung ituturing ka nilang kalaban, tanda yan ng kanilang kahinaan.
Lucky number: 40, 22, 16
Lucky color: yellow, mint green
Aquarius
(January 20 - February 18)
Ayos lang umiyak kapag hindi mo na kaya ang lahat. Hindi ka robot at may karapatan kang malungkot. Hindi mo naman kailangan laging maging malakas, dahil hindi lahat ng sitwasyon ay madaling maharap.
Lucky number: 18, 24, 5
Lucky color: violet, brown
Pisces
(February 19 - March 20)
Kahit gaano mo kamahal ang tao kung nawawala na ang peace of mind mo, try to let go. Kung walang kapanatagan, wala din kasiguraduhan. Kaya muli mong balikan ang mga bagay at pag aralan kung masaya ka pa ba o napipilitan na lang.
Lucky number: 8, 15, 9
Lucky color: maroon, light green