23/01/2025
STATEMENT ON THE SUSPECTED HAND, FOOT, AND MOUTH DISEASE (HFMD) IN ANGELES CITY
Nais po nating ipaalam sa ating mga kababayan na kasalukuyan pong mayroong limang suspected Hand, Foot, and Mouth Disease (HFMD) cases sa siyudad na mahigpit nating binabantayan sa tulong ng City Health Office, sa pangunguna ni Dr. Verona Guevarra.
Ayon po sa report ng CHO, ang HFMD ay isang sakit na kadalasang nagdudulot ng lagnat, rashes sa palad, mga daliri, at talampakan, at sugat sa bibig at pananakit ng apektadong bahagi, na karaniwang tumatama po sa mga batang may edad 1 hanggang 5 taong gulang.
Ang ganito pong klase ng sakit ay maaari nating maiwasan. Kaya NANANAWAGAN po ako sa aking mga kapwa-Angeleños, lalo na sa ating mga magulang at g**o sa mga paaralan, na turuan at gabayan ang ating mga kabataan sa tamang paghuhugas ng kamay, paglilinis at pagdi-disinfect ng mga gamit, at pagiwas sa pagbabahagi ng personal na bagay tulad ng kutsara, tinidor, baso, at panyo.
Sa mga nasabing suspected case, nagsagawa na rin po ang CITY EPIDEMIOLOGY AND SURVEILLANCE UNIT o CESU ng initial investigation at pagtest ng mga laboratory sample (dumi) para sa kumpirmasyon.
Ipinapaalam din po namin na kinakailangan po ng limang araw bago lumabas ang resulta ng pagsusuri para sa suspected cases.
Ang mga nasabing suspected case ay kasalukuyan pong naka-home isolation.
Magsasagawa rin po ang CHO ng contact tracing bukas, Enero 23, 2025, upang matiyak ang posibleng pinagmulan ng sakit at ang mga nakasalamuha ng mga suspected case para maseg**o po natin na wala ng mahahawa mula sa mga kasalukuyang suspected case.
Kasalukuyan din pong namimigay ang siyudad ng mga alcohol para sa regular na pagdi-disinfect ng kamay, lalo na ng ating mga mag-aaral.
Hinihingi ko po ang inyong pakikipagtulungan upang mapanatili nating ligtas at malusog ang ating siyudad.
Rest assured, we, at the city government, are closely monitoring the situation and taking necessary steps to ensure the well-being of everyone.
Magtulungan po tayo para sa kapakanan ng lahat, lalo na po ng mga kabataang Angeleño.